Gusto kong sumandal siya sa akin kung nahihirapan siya. Gusto kong magpahinga rin siya sa'kin kung pagod na siya. Gusto kong manatili siya sa tabi ko.

Gustong gusto ko rin ang ganoon.

Ngunit ang hirap. Pinupuno niya ng saya ang puso ko. Nakakatakot dahil baka magising nalang ulit ako, wala na siya sa tabi ko. Nakakatakot dahil baka produkto rin pala siya ng imahinasyon ko kahit malinaw naman sa akin na reyalidad siya.

"Pahinga muna tayo. Ten minutes," ang gym trainer ko na tinanguan ko.

Pinanood ko siyang lumayo at lumapit sa meryendang nakahanda para sa kanya. Ang akin naman ay nasa kabilang tray. Puro prutas, yogurt at fresh veggies.

I smiled and shook my head. Buti at sinanay ako ng first chef ko. Kaso mas strict 'yon si Hiro. Damn him for lying! Akala ko talaga namumulubi na ang mga Malls dahil nagkakaubusan lagi, 'yun pala ay pinagdadamutan ako ng matatamis!

Humiga ako sa mat at tinakpan ang aking mukha, magkasalubong ang kilay ngunit nangingiti sa naaalala. Iyon ang naging hakbang ko para disiplinahin ngayon ang aking sarili. Kahit wala naman siya rito, pag gusto kong kumain ng matamis, naririnig ko agad siya sa isip ko. Na bawal iyon. Hindi pwede. No sweets for me. Maiirita ako ngunit sa huli ay ngingiti na lamang din.

Malala na 'to. Makakaahon nga sa napagdaanan pero mababaliw ata ako kay Hiro. Sa kanya ako malulunod. This is what I hate when he's not around! Nangungulila agad ako sa kanya! Kung nandiyan siya, ayaw ko naman siyang pansinin. Tapos wala, hahanap-hanapin!

"Aerobics tayo next," paalala ng gym trainer ko.

I nodded without saying anything. Oh how I wish he's here— Shut up! Stop it! Baka kung ano naman iyang maimbento mo sa isip mo!

I cleared my mind and focused with my aerobic session. Magaan ang pakiramdam ko tuwing natatapos. Naligo ako at nagpasyang magbasa ng libro ni Michael Faudet pagkatapos.

Natanaw ko ang kakadating lamang na si Dad. He looked so formal, intimidating and very serious. Ang kanyang katangkaran at malaking katawan ay talagang marahas tingnan.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak. Pink tulips. Ibinalik ko ang mga mata sa pahinang binabasa hanggang makarating siya sa aking gilid at yumuko para patakan ako ng halik sa aking noo.

"Done with your exercise?" tanong ni Dad at inilapag sa mesa ang bulaklak.

"Yup," I smiled a bit.

Tumango siya at hinila ang isang upuan. Ipinwesto niya ito sa tabi ko. Bumagal ang aking pagbabasa gamit ang mga mata at medyo distracted kay Daddy na pumangalumbaba sa nakabukaka niyang hita sa aking gilid, seryosong ipinagsalikop ang mga kamay at mariin ang titig sa akin.

"I have something to say..." may pag-iingat sa marahan niyang boses.

"What is it, Dad?" hindi ko inalis ang tingin sa libro.

"So... I found a place for us in France. May nabili akong property. Malaki ang bahay. Maganda rin ang paligid..."

I know what he's planning to say. I nodded and listened carefully.

"If you wish to leave then..."

Ilang buwan na rin simula noong nawala si Illisha. Nangungulila pa rin ako hanggang ngayon. Nalulungkot pa rin. Ngunit kumakalma lagi ang aking puso sa tuwing naalala ang sinabi ni Hiro. Illisha's in my heart. She's there. She's always with me.

Ang ginagawa ko na lamang ngayon ay paghahanda sa pagpunta ko sa Manila. Ayokong humarap sa kanila na durog durog at dala dala ang sugat ng kahapon. Ayoko silang bigyan ng rason para malungkot sa akin. O ayoko ring maisip nila na kinarma ako. I want to stand firm. I want to look strong for myself. Hindi ko ihaharap ang mahinang sarili ko.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon