Nagpaalam ako sa mga nag-aayos ng stage tapos lumipad na papunta sa dorm. Mga 10 minutes, nakaayos na ako. Cute yung dress na pinatahi ni ate Danica. Strapless cocktail dress siya na mint green ang color accented by brown ribbon na kailangan pang itali kasi hindi talaga siya connected sa dress; separated pa yun. Dahil wala si Kiara, hindi ko muna nilagay yung brown ribbon. Hindi ko kasi abot sa likod tsaka hindi ko alam kung ano talaga ang dapat na itsura nun. Haha.

Si Tristan ang magsusundo sakin. Nagsabi na kasi ako na kaya ko naman pumunta dun pero ayun, mapilit siya. Actually, mapilit si ate Clarisse. Siya ang pumilit kay Tristan na sunduin ako para daw hindi ako mapahamak along the way.

Sa kabilang syudad pa kasi yung hotel nila. Yung pinagtatrabahuhan ni kuya Lex.

*Knock Knock*

Si Tristan na kaya yan? Binuksan ko yung pinto.

Siya nga! Wew, ang gwapo lang. Naka tuxedo siya na gray tapos may ribbon na gray din sa may neck. Woohoo! Parang Shinichi Kudo lang. Hihihihi~

“Akala ko may belt ka na brown?”

“Pano mo naman nalaman?”

“Nakita ko yung design.”

“Ah, hindi ko kasi matali eh. Hindi ko abot sa likod.”

“Hindi naman sa likod itatali yun. Sa may gilid. Nasan ba?” Kinuha ko yung silk brown ribbon. Don’t tell me marunong siya nito?

Kinuha niya sakin yung ribbon tapos **blush blush** siya ang nagtali. Nakakakilig,ahihihih!

Pero wait..

“San ka natuto maglagay ng ribbon?”

“Kapag may babae kang bunsong kapatid at wala ang nanay mo para ayusan siya sa ballet class niya, malamang matututo ka.” Ahhhh, yun naman pala.

“Nasubukan mo na sa sarili mo ang ribbon?” Haha, watta stupid question of mine.

“Itali kita dyan sa ribbon gusto mo?”

“Joke lang. Eto naman, di na mabiro. Why so serious?” Bigla niyang hinila yung ribbon kaya super close na namin sa isa’t isa. As in centimeters away na lang! Nilayo ko nga bigla ang mukha ko eh. Kaso ang lakas na naman ng topak niya at hinawakan ako sa waist. Argh!

“Why am I so serious?” ARGH! His voice is so manly! I’m starting to feel like jelly-o. Ahuhuhu!

Somebody rescue me!

Then, tumunog yung phone na hawak-hawak ko. May tumatawag.

“M..may tumatawag sakin.” Kinuha niya yung phone tapos tiningnan niya kung sino yung tumatawag. Weew, at last, binitawan niya rin ako.

“Hello?” Aba, sinagot ba naman ang tawag na para sakin? “Boyfriend niya. Ahhh…sige, sabihan ko na lang siya. Ok…”

“Sino yun?!” Kinuha ko agad phone ko. Anong boyfriend niya ang pinagsasasabi niya?!

“Si Valerie.”

“Ano daw sabi?”

“Ewan.” Kinurot ko siya nang pinong-pino. “Aray! Ano ba?!”

“Yan ang bagay sa mga tulad mo! Pakialamero!” Kinuha ko yung pouch ko tapos lumabas na ako. Bumuntot na lang siya sa likod ko.

Pero ano kaya sinabi ni Valerie. Tsk, itext ko na lang siya mamaya. Ahy kaso pala wala akong load ngayon. May utang pa ako sa Globe dahil nag-GTSOS ako nung isang araw. Haha.

Kung magpapaload naman ako, ang layo pa nung paloadan. Pagdating na nga lang sa hotel. Makikitext na lang ako kay kuya. Mayaman naman yun sa load kasi lagi nun katext yung jowa niya.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now