Kabanata 18

639 15 2
                                    

Matatalim ang tingin na ginawad ko kay Eros. Wala akong pakialam kahit bumabaha ang luha ko.

"I'm sorry, biro lamang iyon," masuyong sambit niya.
Sinubukan niyang punasan ang luha ko pero mabilis kong hinawi ang kamay niya.

"Biro? Sa tingin mo tamang biruin ako sa harap nila?" Galit na tanong ko.
Wala akong pakialam kahit mukha akong tanga na umiiyak ngayon. Basta malaman niya kung gaano ako kagalit sa kan'ya.

"Fuck!Stop crying, baby."

Mahigpit niya akong niyakap. Anak ng! Hindi na niya ako madadaan sa baby, baby niya. Alam ko nang lahat naman ng babae niya ay tinatawag niyang baby.
Pinipilit ko siyang itulak pero mahigpit talaga ang yakap niya.

"Wag mo nga akong tawaging baby! Lahat na lang baby mo!"
He chuckled. At talagang natutuwa pa siya ha.

"My baby is jealous. Hmm, you're damn adorable, baby."

Humataw ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kahit pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko sa paglalambing niya ay marahas ko siyang tinulak. Nang makawala ako sa kan'ya ay aalis na sana ako pero hinarang niya ako.

"Leave that Marquez, come back to me baby. Kahit ang anak mo tatanggapin ko," nagmamakaawang sambit niya.
"A-ano?"
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ano bang nangyayari sa kan'ya?
"Please, Amanda."
Napatakip ako sa bibig ko nang bigla siyang lumuhod.
"Tangna, ang hirap magpanggap na may iba na ako kahit ang totoo ikaw parin, ikaw lang. Baby please, ako na lang ulit."

Mas lalo akong naiyak nang makita ko ang luhang tumakas sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan, matagal na sila ni Tasha pero bakit ako parin?
Siguro nga ay ako parin iyong Amanda niya. 'Yong Amanda na basta si Eros ay rurupok. Pilit ko siyang tinayo ay inabot ang kan'yang mga labi. I kissed him wholeheartedly. He kissed back. Masuyo, puno ng pag-iingat at pananabik. Mahabang halik ang pinagsaluhan namin.

"Iiwan mo na ang Marquez na 'yon?" Nagsusumamong tanong niya.
Sa tindi ng inis ko kanina at sa mga pa nanakit niya ay naisip kong pagtripan muna siya.
"P-pag-iisipan ko..."
"W-what?" naguguluhang tanong niya. "We kissed already, ako na dapat ang piliin mo."

Pinipigilan ko na matawa sa reaksyon niya. Playboy naman siya akala mo naman ay pag nahalikan niya ay sa kan'ya na agad. I bet he already kissed tons of girls.

"M-may g-girlfriend ka naman," sabi ko sabay iwas nang tingin.
Hinuli niya ang baba ko at pilit na hinahanap sa kan'ya. Nang mag tama ang mga mata namin ay kitang kita ko ang pamumungay ng mata niya. Halata pa rin doon ang pag-iyak niya kanina. Really? I made this man cry?

"Hindi kami ni Tasha."
Natigilan ako sa sinabi niya, anong hindi? Niloloko niya ba ako? Palagi silang magkasama at naglalandian, isa pa ay pinakilala niya na ito sa pamilya.

"Pwede ba?! Naiwan nga niya ang panty sa condo mo!"
Nabuhay na naman ang galit ko sa dibdib nang maalala iyon.  Sa tagal na wala ako ay malamang ay marami ng mainit na gabi ang pinagsaluhan nila.
Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang ngisi roon pero tumaas parin ang sulok ng kan'yang mga labi. Matalim ko siyang tinignan, talagang masaya pa siya sa mga pinaggagawa niya.

"I paid her to pretend, and I guess she deserves a huge bonus hmm?"
What? Hindi ko agad na proseso ang sinabi niya. He paid what?
"A-ano? M-matagal na kayo a..."
"Ohh... Akala ko kasi kapag nalaman mo na may iba ako ay uuwi ka kaagad para awayin ako, pero ang tigas mo baby. Taon na bago ka bumalik at ang mas masakit may iba ka na," lumambot ang ekspresyon niya.

Totoo kaya ang sinasabi niya. Pero sa tagal na, pwede namang nahulog na siya kay Tasha. Hindi ba't sa mga palabas ay ganoon? Kapag nagpanggap ay sila rin sa huli ang nagkakatuluyan.

"N-nafall ka ba sa kan'ya?" Kinakabahan ako nang itanong ko iyon.
Kung kanina ay pinipigilan niya ang sarili niya ngayon ay hindi na. He barked into laughter. He even hug me tight while laughing.

"Selosa..." He whispered, nang mahimasmasan na siya.
Kumalas ako sa yakap niya at hinampas siya. Hindi naman siya nagpatinag at pinisil niya pa ang pisngi ko.
"Damn cute!"
Naasar akong nagmartsa palabas, alam ko namang kasunod ko lamang siya. Pagbukas ko ng pinto ay nasa labas si Tasha mukhang naghihintay.

"Tapos na?" she asked.
Hindi ako nakasagot, hindi ko rin naman alam kung ako ba ang tinatanong niya. Sumulpot sa likuran ko si Eros at agad na humawak sa bewang ko.
"Yeah," he said.
Ngumuso si Tasha at inikot ang mata.
"Ang rupok! Sayang kikitain ko," reklamo niya bago nauna nang maglakad paalis.

Tumawa lamang si Eros sa naging reaksyon ni Tasha. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon. Basta pera ay maaasahan mo talaga si Tasha.

"Papano natin sasabihin sa magulang natin?" tanong ko kay Eros nang makarating kami sa opisina.

Ang totoo ay iyon ang mas iniisip ko. Pinakilala ko si Kuya Leo sa kanila tapos ngayon ay magiging okay kami ni Eros. Baka maguluhan sila at mas magalit pa sa akin. Ang isa ko pang iniisip ay papaano ko sasabihin kay Eros na siya naman talaga ang ama ni Dani.

"Ako na ang bahala roon, basta hiwalayan mo na ang Leo Marquez na 'yon," utos niya.
"Hindi naman kami ni Kuya Leo," pag-amin ko.
"What?" gulat na tanong niya.
Iniisip ba niya talaga na kaya kong makipag relasyon sa iba gano'ng may nangyayari sa amin noon?
"Fuck, then why is he kissing you!" galit na sambit niya.
Pinagtatawanan niya ako sa pagiging selosa ko. Samantalang seloso  rin naman siya.
"Tinawag ka pa niyang baby!"
Aba!
"Ikaw din naman! Tinawag mong baby si Tasha!"
Makareklamo siya, siya rin naman.
"Well that was just for show of coarse, para magselos ka and successful naman."
Nagkibit balikat pa siya. I rolled my eyes, kung alam niya lang kung gaano kabayolente ang mga naiisip ko dahil sa selos.

Sa ilang sandaling pag-iisip ay nabuo ang desisyon ko. Isasama ko sa bahay si Eros at ipapakilala sa anak ko. Bahala na kung anong mangyayari, bahala na kung magalit man sa akin ang mga magulang ko at magulang ni Eros. Panahon na rin siguro para maging matapang ako. I've been really coward for running away before. Sa halip na harapin ang problema noon ay tinakasan ko ito.

Sa halip na magtiwala kay Eros noon ay pinangunahan ko ito, ang akala ko ay hindi siya pagkakatiwalaan ng magulang niya but here he is, presidente na ng kompanya namin.

Pleasuring AmandaWhere stories live. Discover now