Kabanata 11

583 17 2
                                    

Nakasandal ako sa sasakyan ko habang wala sa sariling nakatulala. Ang akala ko ay kaya ko... Kaya ko na makita siyang may kasamang iba. Akala ko ayos lang sa akin na may iba na siya.

Tears started to build at the side of my eyes. The truth is there's still a hope in my heart, na baka pwede pa... na baka ako pa? O kaya naman ay matatanggap niya pa ang anak namin. Baka sakaling mabigyan ko pa ng kompletong pamilya si Daniella o kahit ama man lang. Umasa ako, aaminin ko pero lahat ng pag-asang iyon ay naglaho ngayon sa nakita ko.

Pumikit ako habang lumuluha. Pero kahit sa pagpikit ko ay nakikita ko pa  rin ang imahe nila. Si Eros habang ang kamay ay nasa bewang ni  Tasha at nang tumingala ang babae ay hinalikan ito ni Eros sa noo.
Fuck!

Wala sa sariling napahampas na lamang ako sa manibela. Ang sakit... Ang sakit palang makita... Kahit hindi ko tanggapin... Kahit itanggi ko, alam kong seryoso sa kan'ya si Eros.

Nagwawala sa pagtunog ang cellphone ko dahil sa tawag mula kay Sierra. Tinuyo ko ang mga luha ko at sinagot ito.

"Asan ka?!"
Bumuntong hininga ako. I never thought na hindi manlang ako sinabihan ng kaibigan ko na parating ang mga iyon.
"Sierra n-naman..." Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko.
"Bakit ka umalis?" pabulong na tanong nito. Siguro ay pumunta lamang siya sa kwarto niya para tawagan ako.
"Anong gusto mo? Tiisin ko na makita silang nandyan? Umiyak ako sa harapan nila?" Hindi ko maitago ang hinanakit sa boses ko.
"Sorry, akala ko kasi ay si Eros lamang ang kasama ni Pio. Hindi ko naman alam na isasama ni Eros ang girlfriend niya."
Bumuntong hininga ako habang pinipigilan ang mga luha kong gusto pang kumawala. Wala naman na akong magagawa. I'm sure hindi naman ginusto ni Sierra na saktan ako. Hindi naman niya alam na sobrang apektado pa ako... Na hindi naman na dapat.

"Si Tasha ang girlfriend niya..."
"Oo, kilala mo?" Gulat na tanong niya.
Hindi ko na sinagot ang kaibigan ko at tinapos na lamang ang tawag. Tinext ko na lamang siya na uuwi na ako at wag na munang mag-alala sa akin, i-enjoy niya na lang ang salo-salo nila.

Kinompirma ni Sierra na si Tasha nga ang girlfriend ni Eros kung gano'n ay maaaring alam naman ni Eros na may anak kami ngunit pinili ng hayaan na lang. Si Tasha bilang sekretarya ni Papa ay siyang nag-asikaso ng pag-alis ko sa bansa noong buntis ako. Siya ang umayos ng mga kailangan ko sa ibang bansa. Siya rin ang may alam sa relasyon naming dalawa ni Eros maliban kay Sierra. Sinabi niya noon na hindi niya sasabihin ito kay Papa dahil hindi naman niya ito trabaho. Alam kong alam niya na si Eros ang ama ni Daniella. Sinabi niya kaya kay Eros?

I felt betrayed. Alam kong hindi naman kasalanan ni Tasha na iniwan ko si Eros pero alam niyang ito ang ama ng ipinagbubuntis ko. Naninikip ang dibdib ko sa kaisipang iyon. Hindi naman niya kasalanang  nahulog ang loob niya kay Eros pero pakiramdam ko ay umiinit ang ulo ko.

"Hindi pa natin napapabinyagan si Daniella, kailan mo balak?"

Tumingin sa akin si Papa nang itanong iyon. Isang taon ng mahigit ang anak ko pero hindi pa nga ito binyag. Ayaw ko namang pa binyagan ito sa ibang bansa, mas gusto ko dito.
"Bago kayo magbakasyon, ano sa tingin mo Pa?"
Tumango ito. Mas mabuting mabinyagan na si Daniella pero gusto ko sanang sa hindi abalang panahon. Simple lang ay sapat na.

"Ang ama niyan, hindi mo parin ba ipapakilala hanggang ngayon?"
Tumingin ako kay Mama na nakatingin sa anak ko. Wala silang kaalam-alam kung sino ang ama ng anak ko.

"Malapit na, Ma."
Dahil sa kalokohan ni Sierra ay magkakaroon ng pansamantalang ama ang anak ko. Hindi ko pa nakakausap si Kuya Leo pero ang sabi naman ni Sierra ay pumayag ito kaya hindi na ako mangangamba.

"Anak! Maghanda ka na!" sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ni Daniella.
Napangiwi ako sa mga Yaya ng anak ko pero nginitian lang ako ng mga ito. Bumuntong hininga ako, kailangan ko na namang iwan ang baby ko. Hinalikan ko muna si Daniella bago lumabas ng silid nito.
Inabutan ko pa si Mama sa labas.

"Bilisan mo."
"Ma!" reklamo ko.
Tinatamad naman akong sumama sa kanila sa dinner nila with Dela paz family. Hindi naman ako kailangan doon pero pinipilit ako ni Mama na sumama.
"Anak, hindi naman na galit ang Tita at Tito mo."
Napailing na lang ako. Hindi naman sila ang inaalala ko. Wala naman akong pakialam kung galit pa sila... Alam ko namang hindi na. Ang problema ko lamang ay si Eros siguradong nandoon ang isang 'yon.

Isang long-sleeved black fitted dress na hanggang tuhod ang suot ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, lalong nadepina ang hubog ng katawan ko. Mas lumaki na ang balakang ko at dibdib dahil sa panganganak. Malalim ang harapan ng suot ko, kitang-kita ang cleavage ko. Pinusod ko ang mahaba kong buhok dahilan para makita ang collar bone ko.

Ano kayang magiging reaksyon ni Eros kapag nakita ako? Ipinilig ko ang ulo ko, hindi ko na dapat iniisip ang magiging reaksyon ni Eros. Hindi ko na nga dapat pa siyang iniisip! Wag mong sabihin na kaya ka nag-ayos ay para lamang sa kan'ya? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

Nababaliw na yata ako at maging sarili ko ay kinakausap ko na. Hindi ko na dapat pang pag-aksayahan ng oras si Eros, may mahal na 'yong tao. Amanda back off!

Mataas na takong ang pinili kong suotin. Tumutunog ito nang pagbaba na ako sa hagdan, at halos matumba naman ako nang bumungad sa akin si Kuya Leo na naghihintay sa sala sa harap ng magulang ko.

Anong... Anong ginagawa niya dito?

"Amanda." Matigas na tawag sa akin ni Papa.

Nakatingin sa akin silang dalawa ni Mama na para bang nanghihingi ng kapaliwanagan. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kinakabahan akong hinarap ang magulang ko.

Pleasuring AmandaWhere stories live. Discover now