KABANATA 5

904 14 2
                                    

Sierra is dancing very wild in the dance floor, while I was watching her. Uminom lang ako habang pinapanuod ang kaibigan kong sumayaw at gumiling sa bawat lalaking nakakaharap niya. Umiinom lang ako, ayokong sumayaw. The last time I danced, I end up having sex with Eros, pero wala naman ang gagong iyon dito. 'Yon ang akala ko, napadako ang mga mata ko sa dalawang tao na nagsasayaw ng malaswa. Their touching each others body. Kahit madilim ay malinaw sa akin kung sino iyon.

Nag-iinit ang pakiramdam ko, pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko nang makita ko kung paano hawakan no'ng babae ang dibdib ni Eros at gumapang ang kamay nito pababa.
Galit akong tumayo at nagmartsa papalapit sa kanila. Nang makalapit ako  sa kanila ay mabilis kong tinulak pahiwalay ang babae. Halos masubsob siya sa sahig dahil sa ginawa ko.

"What the hell!" sigaw nito pero hindi ko siya pinansin at nakatuon lang kay Eros ang galit na galit kong mata.
"Amanda," seryosong tawag sa'kin ni Eros.
Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang dami ng nainom ko kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko. Galit kong sinampal si Eros at nagulat siya sa ginawa ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ko sa kan'ya.
Hinawakan niya ang pisngi niya at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.

Labis labis ang galit ko, matapos kong ibigay ang sarili ko sa kan'ya ay makikita ko siyang nakikipaglandian sa kung sinong babae. Mabuti kung isang babae lang, ang problema ay iba-iba. Iba pa ang babaing kasama niya noon sa restaurant na nakita ko.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit ako palabas ng bar. Tinatawag pa siya ng kasayaw niya pero hindi niya na ito pinansin.

"Ano bang problema mo?" tanong niya nang makalabas na kami ng bar.
"Ikaw!" galit na sigaw ko sa kan'ya.
Nagtatanong pa talaga siya kung anong problema ko ha!
"Anong problema mo sa'kin, Amanda, sabihin mo nga," parang gusto na niya akong sigawan pero nagpipigil siya.
"Sino 'yon ha?" galit na tanong ko sa kan'ya.
"Ano naman sa'yo kung sino' yon?"
Ang kapal-kapal niya, anong ano naman sa'kin, ako lang naman... Tila natauhan ako. Ano nga ba ako, ano nga ba naman sa'kin?
"W-wala! Wala kalimutan mo na!" sigaw ko sa kan'ya at tinalikuran na siya.

Akmang lalayo pa lang ako ay mabilis niyang hinuli ang braso ko at mabilis akong hinila pabalik. Sa lakas ng paghila niya ay napasalampak ako sa dibdib niya. Lalayo sana ako pero mabilis niya akong niyakap.
"Anong problema, Amanda? Hmm?" malambing  na bulong niya.
"W-wala," nauutal na sagot ko.
"My baby's jealous, hmm?"
Para akong kinikiliti nang tawaging niya akong baby. Parang boses ng anghel na inalis lahat ng galit ko kanina, ang tinig niya.
"H-hindi ako n-nagseselos!"
Pilit akong kumawala sa yakap niya. Nakawala man ay hawak naman niya ang balikat ko at pilit hinuhuli ang mga tingin ko.
"Uh-huh," he chuckled.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. 
"Pero ako nagseselos ako," sabi niya na nakapagpaangat ng tingin ko.
"H-ha?"
"Naiinis ako Amanda, ayokong hinahawakan ka ni Enrico," nakita ko ang pagguhit ng galit sa mga mata niya ngunit sandali lamang iyon.
"Kuya, Eros," pagtatama ko sa kan'ya nang tawaging niya si Enrico sa pangalan lamang nito.
"Tss, bakit ikaw," balik niya sa akin.
Sinimangutan ko siya, alangan namang tawaging kong kuya ang fiance ko.
"Let's go home," sabi niya bago pinadausdos ang isang kamay patungo sa kamay ko at pinagsalikop iyon.
"Ihahatid mo ako?" tanong ko sa kan'ya habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya.
"No."
Napatigil ako sa sinabi niya, bakit sinama niya pa ako kung hindi naman pala niya ako ihahatid. Natawa siya sa naging reaksyon ko.
"Sa condo ko tayo," sabi niya at tumango naman ako.
Ayoko rin namang umuwi sa bahay. Ang alam naman ng magulang ko ay nasa condo ako ngayon ni Sierra. Oh my! Speaking of Sierra, lagot na naman ako kapag iniwan ko ang babae na 'yon.

"Si Sierra!" tarantang sabi ko sa kan'ya.
"Nah, your bestfriend is a Marquez, nobody will dare to harm her," sagot niya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Tumango naman ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Sabagay noong huling beses nga naming iniwan si Sierra ay nakauwi naman ito ng maayos.

Nang makarating kami sa condo niya ay nag shower ako sa bathroom niya sa loob ng kwarto niya. Pakiramdam ko ay malagkit na ako. I used his shampoo and shower gel. Napangiti ako nang maamoy ko ang sarili ko matapos maligo. I smell like him and I love it. Napanguso naman ako ng wala nga pala akong dalang towel manlang sa loob.

"Eros!" sumigaw ako mula sa loob ng bathroom.
"Yes, baby?" sagot niya at narinig ko pa ang yabag niya papalapit sa pintuan.
"Towel," sagot ko.
"Okay," sagot niya at nawala saglit.
Ilang sandali lang ay kumatok na siya. Binuksan ko ng makipot ang pinto at sumilip doon. Ang katawan ko ay nakatago sa likod ng pinto habang ang ulo ko ay nakasilip. Nakangiti siyang may hawak na towel.
Inabot ko ang kamay ko para ibigay niya ang towel.
"Come out, Amanda. Nakita ko na 'yan, wag ka ng mahiya."
Matalim ko siyang tinignan pero humalakhak siya.
"Baby, come out. Ako magtutuyo sa'yo," pamimilit niya.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto, revealing my naked body. Hindi ako lumabas at hinayaan siyang pumasok. Dahan-dahan niyang tinuyo ang katawan ko gamit ang tuwalya. Matapos akong tuyuin ay binigay niya sa akin ang isa pang towel para mailagay ko sa buhok ko. Halos mapatili ako nang buhatin niya ako palabas ng banyo.
"A-ano ba..." saway ko sa kan'ya at bahagyang hinampas sa balikat.
Ibinaba niya ako at parang bata na binihisan. Ang boxer short at tshirt niya lang ang suot ko.
"Dapat mag-shopping na tayo ng mga damit mo," sabi niya.
"B-bakit?"
Ayaw ba niya akong pahiramin ng mga damit niya? Komportable pa naman ako sa mga damit niya.
"My clothes looks good on you but you can't wear them kapag lalabas tayo."

Tumango-tango ako, tama naman. Hindi ako pweding lumabas suot ang damit niya lalo na't wala naman akong suot na bra.
"Pero malapit lang naman ang condo ni Sierra," sabi ko.
Marami akong damit sa condo ni Sierra at sa taas lamang iyon.
"Yes, but hindi naman pweding palagi kang tataas para lang magbihis."
Tama naman siya kaya hindi na ako nagsalita. Isa pa ay baka sapakin ako ni Sierra kung pupunta lang ako sa condo niya para magbihis.

"Do you want milk?" He suddenly asked.
"Yes please," sagot ko sa kan'ya.
Naglakad na siya palabas ng kwarto at sumunod ako. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa'kin.

"Stay in bed, baby. Dadalhin ko na lang d'yan," utos niya pero agad akong umiling at ngumuso.
Natawa siya sa inasal ko. Tumalikod siya sa akin at bahagyang yumukod. Agad kong naintindihan ang ginawa niya kaya nakangiti akong sumakay sa likod niya. Yumakap ako sa leeg niya at ang mga binti ko naman ay niyakap ko sa bewang niya. Naglakad na siya patungo sa kusina. Kumuha siya ng isang baso at nilagyan iyon ng gatas.

"Gaano karaming asukal?" tanong niya sa akin.
"Just one tablespoon," sagot ko sa kan'ya.
Matapos niyang haluin at handa nang inumin ang gatas ay bumaling siya sa akin.
"Ibababa na kita para mainom mo ng maayos."
Ngumuso ako at umiling.
"So my baby is clingy huh?"
"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kan'ya.
Bumitaw ako sa kan'ya at bumaba na sa likod niya. Humarap siya sa akin habang ang ngiti sa labi niya ay hindi mabura.
"Ayaw mo ba?" ulit na tanong ko.
"Gusto, gustong-gusto," sagot niya bago yumukod at hinalikan ang mga labi ko.

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon