Kabanata 16

605 14 4
                                    

"May bibilhin ako."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Eros. May bibilhin? So ano makikisabay siya sa sasakyan ko kasi may bibilhin siya?
"May sasakyan ka 'diba?"
He chucked. Lumingon siya sa akin ng may mapait na ekspresyon.
"So, you're only concerned with your boyfriend? Kapag ibang tao ayos lang sa'yo na magmaneho kahit nakainom?" Mapait na tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Alam ko namang hindi pa siya lasing at kaya naman niyang magmaneho pero ayoko lang makipagtalo.
"San ka ba bibili?"
Hindi siya agad nakasagot at mukhang nag-isip pa kung saan nabibili ang kung ano mang gusto niyang bilhin.

"Mall." He finally answered.
"Mall? Hindi ba galing ka na roon kanina?" Reklamo ko.
"Ayaw mo?"
"Fine!"
Nagmaneho na ako patungo sa mall. Kung ano mang bibilhin niya sa mall ay siguro'y importante sa kan'ya at nakisakay pa siya sa akin. Pero kung importante naman iyon bakit nakalimutan niya kanina? Ay ewan bahala nga siya.

We were silent the whole ride. Wala naman akong masabi at kahit naman siya ay hindi nagsasalita.
"We're here." I announced as I parked my car.
Kinalas niya ang seatbelt niya bago bumaling sa akin nang hindi ako kumilos.
"Let's go."
Kumunot ang noo ko habang pinagmasdan siya. Ano raw? Let's go?
"Anong let's go?"
"Come on, iiwan mo akong nakainom?"
Fuck! Did he just used his nakainom card again? Halos hindi ko nga maamoy sa kan'ya ang alak. Tsk, why do I feel he's just making fun of me? Parang sinusubukan niya lang kung kaya niya pa rin akong pasunurin.

I sighed and remove my seatbelt. Nauna na akong bumaba ng sasakyan ko at sumunod naman siya. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lamang ako sa loob ng mall. Sumusunod naman siya sa akin. Matagal bago ko naisip na siya nga pala ang may bibilhin at hindi ako kaya naman tumigil ako at hinarap siya.
"What?" naguguluhang tanong niya.
"Ikaw ang may bibilhin 'diba?"
Tumango naman siya.
"Edi ikaw mauna!"
Kinagat niya ang ibabang labi niya bago bahagyang tumingala. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang matawa sa reaksyon ko.
Ang akala ko ay mauuna na siyang maglakad sa akin pero ang ginawa niya ay pinantayan lamang ako. Naiinis na akong bumaling sa kan'ya.
"Ano ba talagang--"
"Ice cream. Kumain muna tayo ng ice cream," putol niya sa sasabihin ko.

Bago pa ako makapagreklamo ay nauna na siyang maglakad patungo sa stall ng ice cream. Umirap ako sa hangin bago nag lakad papalapit sa kan'ya.
"Anong flavor sa'yo?" He asked me.
"Strawberry," labag sa loob na sagot ko.
Sa halip na nakauwi na ako ngayon ay hindi at nag-aalaga pa ako ng kunwaring lasing na lalaki.
Inabot niya sa akin ang ice cream na isa habang hawak naman niya ang sa kan'ya. Hindi ko ba alam kung gusto niya lang ba talaga ng ice cream kaya sobrang laki ng binili niya. Giant cone pa talaga.

Nabawasan nang konti ang init ng ulo ko. Masarap at totoo namang gusto ko ang strawberry. Naupo muna kami sa mga upuan doon. May ilan-ilan din namang nakatambay doon habang kumakain ng ice cream.
"Masarap?"
Napairap ako sa tanong niya. Is he seriously starting a conversation? Parang hindi galit na galit noong nagkita kami sa dinner a.
"Oo, 'yan ba?" tanong ko sa chocolate flavored ice cream niya.
Tumango siya at nilapit iyon sa akin. "Wanna try?"
Umiwas ako nang tingin. Kahit parang gusto kong tikman ay hindi ko ginawa. Bakit bati ba kami? I heard his soft laughs. Ganyan ba talaga siya malasing o trip niya lang umasta ng ganyan?
"I want to try yours."
Marahas akong bumaling sa kan'ya at kitang kita ko kung papaano umangat ang gilid ng mga labi niya. Tss, saya 'yan?
"Tsk."
Tumawa siya sa pagtataray ko.
"Pwede ba Eros," inis na sambit ko.
Hindi niya pinansin ang pagtataray ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Natagalan kami bago naubos ang ice cream. Mabilis akong tumayo nang parehas na kaming tapos kumain.
"Tara na, bilhin na natin ang kailangan mong bilhin."

Bumuntong hininga siya bago tumayo. Parang labag pa sa loob niya ha. Siya na nga itong sasamahan.
Nagdududa kong sinundan si Eros. Mas lalo pa akong nagduda nang pumasok ito sa toy store. Halos magdikit na ang kilay ko nang tumigil siya sa harap ng mga barbie. Wala naman akong alam na kamag-anak nila na may anak na babae. Pumili siya ng isa at dinala iyon sa cashier para bayaran.
Takang-taka ako kung para saan ba iyong laruan na binili niyang iyon. Wag mong sabihin na may anak na rin sila ni Tasha?

"M-may anak ka n-na?" nauutal kong tanong sa kan'ya habang naglalakad na kami palabas ng mall.
Hindi siya sumagot kaya naman mas lalo akong naguluhan. Bakit ayaw niyang sagutin? Silence means yes ba?
Pagkarating namin sa sasakyan ko ay tumigil lamang siya sa labas at inabot sa akin ang binili niya. Naguguluhang tinanggap ko iyon.
"Para sa anak mo. Wala akong anak," sambit niya bago naglakad papalapit sa isang sasakyan at sumakay roon.

Kung ganoon ay naiwan niya pala ang sasakyan niya rito. Pumasok na ako sa kotse ko at tinignan ang manikang binili niya. Bakit ang  sabi niya ay may kailangan siyang bilhin pero ito lang naman ang binili niya. Baka naman gusto niya lang talaga ng ice cream.

"Hayy, ang gulo mo Eros!"
Nagmaneho na ako pauwi sa bahay at nang makarating ako roon ay nagpatulong  ako sa mga kasambahay para ibaba ang mga napamili ko kanina. Naglinis muna ako ng katawan at nagpalit ng damit bago ako nagtungo sa silid ng anak ko.

"My, my!"
My adorable daughter. Mabilis akong lumapit sa kan'ya at binuhat ito. May ilang mga salita nang lumalabas sa bibig niya. One year and five months na rin naman si Dani. Hindi na ako makapaghintay dumating ang panahon na magkukwento siya sa akin ng mga nangyari sa kan'ya sa eskwelahan.
Inabot ko ang paper bag na dala ko at kinuha sa loob noon ang manikang binili ni Eros.
"Baby, regalo ni daddy," nakangiting inabot ko iyon kay Dani.
Nakangiting tinanggap iyon ng anak ko bago lumingon sa akin.
"Dy?" Patanong na sambit ng anak ko.
Ngumiti lamang ako bago naglakad palabas ng kwarto ni Dani habang buhat siya. Magulo pa ngayon anak at alam ko namang hindi mo pa mauunawaan. Umasa parin ako na balang araw ay maipapakilala ko sa'yo ng maayos ang daddy mo.

Pleasuring AmandaWhere stories live. Discover now