Kabanata 12

601 16 1
                                    

"Amanda." ulit na tawag ni Papa.

Naglakad ako patungo sa tabi ni Kuya Leo at humarap kay Papa at Mama. Kinakabahan ako, hindi ako handa pero bahala na.

"Pa, Ma, si Leo po, ama ni Daniella."

Halos manlamig ang sikmura ko nang tawagin ko sa pangalan lamang ang kapatid ni Sierra. Parang illegal iyon... Kailangan may paggalang!

Bumuntong hininga si Papa bago magsalita. "Mamaya na lang tayo mag-usap. May pupuntahan pa tayo."
Kinakabahan akong tumango.
"Sa kan'ya ka na ba sasabay?" tanong ni Mama.
"O-opo."
Nauna nang umalis ang magulang ko at sumunod naman kami. Tahimik lamang kami sa sasakyan niya. Natatakot akong magsalita baka magkamali ako.

"Sierra, told me to come." binasag niya ang katahimikan.
"S-salamat, K-kuya."
Bahagya siyang natawa kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Hindi siya 'yong tipo na friendly kaya nagulat ako sa reaksyon niya.
"Calm down, Amanda. Hindi ako nangangagat," paalala niya.
Napanguso ako, anong gagawin ko? Kinalakihan ko nang masungit siya. Hindi nga niya ako nginingitian noon sa tuwing pupunta ako sa kanila ni Sierra.

"Call me, Leo. Stop calling me kuya, baka mabuko agad tayo," dagdag pa niya.
"Ayaw mo ng Leonardo?" sinubukan kong biruin siya.
"Seriously, woman?"
Natawa ako, alam kong ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan. Medyo naging magaan na ang loob ko sa kan'ya.

Nang makarating kami sa restaurant ay sabay kaming pumasok sa loob. Nakaangkla ang kamay ko sa braso niya, habang ang mukha niya ay bumalik na sa dating seryosong anyo. Hinatid kami ng isang waitress kung saan naroroon ang mga magulang ko at ang pamilya ng Dela paz.

Sa isang mahabang mesa ay mag katabi si Tita at Tito, sa tapat nila ay magulang ko. Lumipat ang paningin ko sa katabi ni Enrico, si Eros at si Tasha. Ang matatalim na tingin ni Eros ay nasa kamay ko na nakakawit sa braso ni Kuya Leo. Dahan-dahan itong gumalaw at natagpuan ang mga mata ko, hindi ko magawang matagalan ang matatalim na tingin niya. Galit ka Eros? Galit ka? Gusto ko iyong isigaw sa kan'ya.

Lumapit na kami sa kanila at pinaghila ako ng upuan ni Kuya Leo, sa tapat iyon ni Enrico. Naupo na rin siya sa tabi ko.

"You're, Leonardo Marquez, right?" bungad na tanong ni Tito.
Nakatingin silang lahat sa katabi ko habang hinihintay magsalita ito.
"Yes, sir." matipid na tugon nito.
"And?" humihingi ng dagdag si Enrico.
"Daniella's father."
Nanlaki ang mata ng mga nasa harap namin sa sinagot niya.
"Really? Ikaw pala ang daddy ni Dani," Hindi makapaniwalang sabi ni Enrico.
"Who's Dani?"
Nanlamig ako nang marinig ang baritonong boses ni Eros na nagtatanong kung sino si Dani. Dani, Daniella anak mo, sambit ko sa sarili ko.
"Anak ni Amanda. Anyway, Amanda si Tasha, I know kilala mo na siya but I'm introducing her to you as Eros girlfriend." Nakangiting sambit ni Tita.
Hindi nakatakas sa akin ang pag-igting ng panga ni Eros. Ngumiti ako kay tita at bumaling kay Tasha. Pinagtaasan lamang ako ng kilay nito kaya hilaw akong ngumiti. Tss burahin ko drawing na kilay mo e!

Nagsimula nang magserve ng pagkain habang ang mga magulang namin ay abala parin sa pag-uusap. Palagi naman silang ganyan, wala nga sigurong makakasira sa pagkakaibigan nila.
"Kamusta na si Dani?" Nakangiting tanong sa akin ni Enrico habang kumakain kami.
"Ayos lang, mabilis lumaki," nakangiting sagot ko.
"Ang sabi ni Tito ay pabibinyagan niyo na, baka naman..."
Natawa ako sa kan'ya, alam ko namang noon pa siya nagpepresintang ninong ng anak ko.
"Haha, oo ninong ka!"
"Si Eros, Amanda kunin mo rin," sabat ni Tito.

"P-po?" Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Tito. Ama to ninong?
Ramdam ko ang pagngisi ni Kuya Leo sa tabi ko. Nilingon ko ito at mas lalo pa siyang ngumisi, kung wala siguro kami sa harap nila ay humagalpak na ito ng tawa.

"Sure." Nakangiti pang sagot ni Kuya Leo kay Tito.
Talagang nang-aasar ang kapatid ng kaibigan ko. Alam naman niyang anak ni Eros si Dani, gagawin niya pang ninong! Mahina ko siyang siniko kaya naman lumingon siya sa akin. Akala ko ay matatapos na siyang mang-asar ngunit hinalikan niya pa ako sa noo sa harap nilang lahat. Isang marahas na tikhim ang narinig ko at agad na nilingon ko iyon.

Masamang nakatingin si Eros sa pagkain niya at durog na durog na ito. Galit ba siya sa pagkain? Masarap naman a.
I excused myself para magbanyo muna sandali. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi matapos ay lumabas na ako. Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at bahagyang nagulat nang pumasok si Tasha.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba ang taray a! Naging sila lamang ni Eros tumaas na ang tingin sa sarili?

"Mabuti naman at nilabas mo na ang ama ng anak mo, hindi na ako mag-ooverthink na sa boyfriend ko si Dani."
Overthink ka pa. Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya. Nginitian ko lang siya mula sa salamin. Palabas na ako nang magsalita pa siya.

"Pinagsabay mo sila? Ah... Nevermind, he's mine anyway,"  sabi niya bago pumasok sa isang cubicle.
That bitch!
Umirap na lamang ako sa kawalan at naglakad na palabas ng banyo. Ang akala ko ay tapos na ang drama pero nandoon pala sa labas si Eros, siguro'y hinihintay matapos magbanyo ang girlfriend niya.

Kahit kinakabahan ay nagawa ko paring lampasan siya. Hindi ko ininda ang panghihina ng tuhod ko, ang mahalaga ay makalayo ako sa kan'ya.

"A Marquez, Huh?"
Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa malamig na boses niya.

"Mas magaling ba siya sa kama?" punong puno ng galit ang tanong niyang iyon.

Nabigla ako nang marahas niya akong hinigit at dinikit sa pader. Abot abot ang kaba ko habang kinukulong niya ako, mahigpit ang hawak niya sa magkabilang balikat ko.

"A-ano bang s-sinasabi m-mo?" Nauutal na tanong ko.
Sarkastiko siyang ngumisi.
"Ano mas magaling ba kaya nagpaanak ka pa?!"
Bawat salitang binibitiwan niya ay parang punyal na bumabaon sa puso ko. Walang ibang nakagalaw sa akin kundi ikaw lang!

"Nasasaktan a-ako," daing ko sa higpit ng hawak niya sa balikat ko.
Pakiramdam ko ay magpapasa iyon.

"At ako, hindi nasaktan?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Alam kong nasaktan ko siya... Pero hindi ko alam na ganito kalaki ang galit niya...

Pleasuring AmandaWhere stories live. Discover now