I should've stayed in bed

16 1 0
                                    

C H A P T E R  F O U R T E EN

Natigilan ako, kahit yakap yakap ko si Angeliz, masakit, masakit na aalis siya,

Pwede ba kahit ngayon lang maging selfish ako? Kahit ngayon lang.

Pero nakakabuti to para kay Angeliz eh, magiging maayos ang kalagayan niya pag umalis siya,

"Ayoko," mahina niyang mga bulong, hinawakan ko siya sa balikat at pinatingin sa akin,

"Don't you think, mas nakakabuti yun para sayo Geliz?," tanong ko na ikinagulat niya,

"P-pero maiiwan kayo dito,"

"Atleast gagaling ka diba? may internet na oh, makakacommunicate ka sa amin,"

Napailing lang siya at patuloy parin sa paghikbi,

"Sana isipin mo rin ang sarili mo, hindi ang iba," bulong ko at ngumiti,

"Pero baka hindi na ako makabalik,"

I patted her head and sat beside her,

"Kahit ilang taon pa yan hihintayin ka namin, magparamdam ka palagi ha, para kahit malayo ka alam namin na may hinihintay kaming umuwi,"

Itinaas niya ang pinky finger niya at itinuon sa akin,

"Promise, paghindi ako nag communicate, kalimutan niyo ko," saad niya,

Idinugtong ko ang aking daliri sa kanya,

"Promise, babalik ka,"

"Promise,"

"Aalis na kami bukas, matagal na palang inihahanda ni Daddy ang passport at visa ko, aalis kaming alas kwatro ng umaga," saad niya at tumango lang ako,

"Bukas na pala," hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti,

"Sige na matulog ka na maaga ka pang aalis bukas,"

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now