Love starts under Umbrella

150 11 0
                                    

Love is a strange dark magic,
where death will only make it stronger
the softest kiss in the wrong direction
Can seal it away forever.
-Atticus

Jiyu


C H A P T E R  O N E

Malakas na lumagapak ang bola papunta sa sahig, dahil sa paghagis nito ni Oli, hapong hapo kaming lahat na umupo sa bench, habang umiinom ng tubig bigla na lamang tumayo at pumalakpak ang katabi ko at tumawa,

"Wala na nademonyo na," sambit ng katabi kong si Pres,

"Lakas ng tama, sagad hanggang utak," saad ko, matalim na titig ang binigay sakin ni Oli, tinawanan ko lang yun at kinainis niya bigla,

"May naisip ako," saad ni Luna na nasa tabi ni Pres, umaktong nagulat kaming lahat sa sinabi niya naagad niyang ibinusangot,

"May isip ka pala Lun?," saad ko, agad akong nakatanggap ng malakas na batok galing sa kanya,

"Natural!," malakas niyang saad, "Simba kaya tayo bukas, para mabawas bawasan yung sungay niyo ano?,"

"Eh may sungay ka din naman ah,"

Tiningan ko yung mga kasama ko at tanging tango lang ang kanilang sagot,

"Sige, pero baka hindi pa tayo makapasok masunog na tayo," pabirong saad ni Oli,

Biglang may tumunog na cellphone, napatingin kami lahat kay Luna ng kinuha niya ang cellphone,

"Oy, si Luna may jowa," pabiro kong saad,

"Shut up," saad niya at matalim akong tinitigan,

"Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, ilang beses ka na sigurong mamatay," saad ni Pres,

"Aalis muna ako," paalam niya sa'min

"Magdedate ka?," Inikot niya ang mata niya, at dali daling umalis,

Pagkaraan ng ilang minutong paguusap,

"Ano ang ginagawa niyo?," biglang sulpot ng kakarating lang Chan,

"May mata ka naman diba, tingnan mo na lang, total magaling ka naman," sarkastiko kong saad ng itinapon niya bigla ang bola sa pagmumukha ko, nakailag naman ako bigla,

"Sharpshooter ah, tumilapon ako pre," saad ko, at tumayo

"Uwi na ko, Gabi na," saad ko at pinagpagan ang damit kong puno ng alikabok,

"Gabi na pala ang ala sais?", Tanong ni Chad

"Tingnan mo nga wala ng araw diba?," kinuha ko ang bola ko, at iniwan ang tatlo na naguusap pa, at wala atang balak na umuwi,

Naglalakad ako papunta sa bahay, ng naisipan kong bumili muna ng softdrink,

"Pabili po!," sigaw ko,

"Hindi binge si Aling Tere, wag kang sumigaw diyan," ibinaling ko ang tingin ko sa nagsalita, si Luna nakacross ang nga kamay habang tumitingin sakin,

"Edi wow," saad ko, sumulpot agad ang tindera, at agad rin naman akong bumili,

"Ate si Luna po magbabayad ng ibinili ko," Biglang may lumagapak na kamay na tumama sa likod ko,

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now