Sundate

35 6 0
                                    

C H A P T E R  F O U R

Jiyu

Maaga pa akong nagising at bumangon agad sa kama, tamang wisik wisik lang, at bumaba nakasalubong ko naman ang kumag kong kapatid, na nakataas ang paa sa sofa, nagcecellphone,

"Morning," saad ko at dumiretso sa labas, di man lang ako tinapunan ng tingin,

Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nina Oli, mukhang masamang ideya na kumunsulta sa demonyo, kaysa sa baliw na taga mental na si Luna,

Wala na akong malapitan na iba, dahil mga walang kwentang kausap yung si Pres at Chan,

Pagkailang hakbang, nakarating din ako sa impyerno, kumatok ako dun at nadatnan ang ni ate ni Oli, si ate Olivia

"Hi ate Via!," tumango lang siya at pinapasok ako, nakarating kami sa sala at nakita ko si Oli na kumakain ng milo habang nanonood ng Ben Ten,

"Oliander!," tawag ko at nakipag apir sa kanya, may bahid pa ng milo ang itsura niya,

"Ji!," sumenyas muna siya na pupunta sa kusina kaya naupo muna ako sa sofa,

"Ji, kamusta na pala si Jazelle?," biglang sulpot ni Ate Via sa gilid,

"Nasa bahay po nagtatambay," tumango siya at umalis ng sala, umakyat sa kwarto maya maya dumating si Oli, at umupo sa tabi ko,

"Anong ginagawa mo dito?," tanong niya habang nagpupunas,

"Diba nagka girlfriend ka?,"'tanong ko,

"Oo, ikaw din naman diba?," pasuray niyang saad,

"Oo nga, eh ano kasi," saad ko, "May ano... may kaibigan kasi ako, tapos may date siya bukas,"

Napataas ang kilay niya at napakamot,

"Ikaw nga, mayroon naman, ba't ka pa nagtanong sa akin?," pangiwi niyang tanong,

"Hindi, kasi hindi ako sure sa sasabihin ko,"

Napakamot ako at unti unting ngumisi ang leader ng mga hamog,

"Kaibigan pala ha, sige,"

Napangisi pa siya,

"Oo, ano daw isusuot niya?,"

Napaisip naman ang hamog, at umakto pang nakaisip ng kung anong magandang ideya,

"Magsuot lang ng simple pero maporma kako, tapos mag pabango ka, kasi gusto yan ng mga babae, nakakadagdag pogi points, pagmabango ka" Saad niya, at napatango ako,

"Tapos?,"

"Yun lang?,"

"Oo," casual niyang saad at itinuon ang atensyon sa TV,

Tumunog ang tiyan ko, at naalala na hindi pala ako nakakain,

"Ol, may pagkain pala kayo diyan?,"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo at kumamot sa batok,

"Uy nababakla ka na ba?,". agad lumaki ang mata niya at umiling,

"Kaibigan mo ba talaga ang nagtanong niyan? gaano ba siya kaimportante na pumunta ka talaga dito ng di kumakain para lang sa advice,"

Peke ko lang siyang nginitian at umiling,

"May hotdog pa dun sa ref, kunin ko lang," saad niya at tumayo,

Muntik na yun. Galing sa ref na hotdog, baka malamig na yun.

------

Alas siete ng gabi ang usapan namin ni Angeliz, mula alas kwatro ng hapon, nandito na kami nina Chan at Pres sa itaas ng puno, nakasabit ako sa sanga ng puno habang ang dalawa naman namimitas ng indian mango, mabuti na wala si Luna, baka kasi ibuking ako sa dalawang hamog, wala din si Oli, mahirap na baka gawin nila akong clown,

Beautiful Karma (Unedited Version)Onde histórias criam vida. Descubra agora