You'll find out soon

13 1 0
                                    

C H A P T E R  E I G H T

Jiyu

Ilang buwan na kaming nagkikita ni Angeliz, nagdadate tuwing linggo, mas nagiging close kami sa isa't isa,

Aaminin ko mas nahulog ako sa kanya,

"Ji, san ba masarap tambayan ngayon?," tanong ni Geliz na nakaupo sa tabi ko nagcecellphone,

"Dun sa tinatambayan ng tropa ko, hindi mainit dun dahil sa mga puno," saad ko, at tumayo,

"Sige," saad nita at tumayo, agad kaming naglakad doon, at laking gulat ko ng wala ang mga batang hamog doon,

Isa ba itong himala? at gusto talaga ng tadhana na magkasama lang kaming dalawa,

Iginiya ko siyang umupo sa upuan sa ilalim, habang naisipan ko namang umakyat sa puno, syempre magpapakitang gilas din, na mas magaling pa ako sa unggoy umakyat ng puno,

"Hoy Jiyu, malalaglag ka ginagawa mo bumaba ka nga diyan," galit niyang sigaw,

tumawa lang ako ay umiling,

"Okay lang naman pagnahulog ako diba?," pasigaw kong saad, yung tipong para rinig na rinig niya,

"Natural hindi marami kayang nagmamahal sayo, kaya wag kang tanga at bumababa ka na rito at baka mahulog ka pa sa ginagawa mong yan," nanatili parin ako sa itaas ng puno, nung sinabi niya yun, parang may kung anong engkantong bumulong sa akin, at walang hiya ko siyang tinanong,

"Bakit mahal mo ko no?," biro ko,

Nagulat ako ng umiba ang awra niya, dahan dahan siyang yumuko at nagbulong, pero sapat lang para marinig ko,

"You'll find out soon,"

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, masaya at baka gusto niya rin ako, natatakot din at baka iba ang sagot niya, marami akong gustong itanong sa kanya

Iwinaksi ko muna ang mga tanong na yun sa aking isipan, at bumaba ng puno?,

"anong sinabi mo di ko narinig eh," pagmaang maangan ko,

"Sabi ko..," saad niya at biglang napaisip, "Ayaw mo naman sigurong makita ang mga hamog na umiiyak dahil namatay ka diba?,"

"Mamatay agad? Hindi ba pwedeng mababali lang?," patawa kong tanong,

"Advance ako mag isip eh, paki mo ba," pataray niyang sagot, pero napalita ito ng pagtawa,

"Oh edi ikaw na,"

ilang oras pa kaming nagkwentuhan ng napasyahan niyang pumunta muna sa bahay ni Luna para mangamusta,

"Puntahan ko muna si Lucille," pamamaalam niya,

"Tinatawag mo siyang Lucille? Akala ko di niya gustong tawagin ang totoo niyang pangalan?,", kunot noo kong tanong,

"Mas gusto kong tawagin ang isang importanteng tao sa totoo niyang pangalan, noon nagagalit siya pagtinatawag ko siyang Lucille Natalia, sabi niya Luna lang daw, pero nung inexplain ko sa kanya, okay naman," mahaba niyang saad,

tango lang ang aking nasagot,

nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Luna,

"Dito lang ako,"

Tumango lang ako, at tumalikod para umalis ng natuwa ako sa huli niyang sinabi bago pumasok sa bahay,

"Siya nga pala salamat Khen!," Napangit ako ng tinawag niya ako sa pangalan ko,

Importante pala ako ha, Angeliz.

----

Gabi na nung umuwi ako sa bahay, nakishot ako ng sting kasama ang tatlong kumag, nadatnan ko dun ang kapatid ko at mga magulang na paalis, nag tatrabaho ang pareho naming magulang sa hospital ngayon, minsan ko na lang sila makikita medyo busy sila ngayon eh, pero naiintidihan ko naman,

"Bye Ji," paalam ni Mama at umalis, ngunitian ko lang sila at kinawayan,

"Bye po," saad ko, nadatnan ko si Jazelle at ang kaibigan niyang si Zyrylle, kumakain at nagcecellphone,

Nga yan, ganyan ang bonding,

"Hi Ji!," pagbati sa akin no Zy,

"Zy," bati ko ulit,

"San ka nanggaling?," tanong niya, at isiniko siya ni Jazelle,

"Jowa ka niya?," mapanuyang tanong ni Jazelle, pero umiling lang si Zy,

"Nagtatanong lang naman ah, parang hindi mo kapatid to," saad niya at itinuro ako,

Oo, hindi niya ako kapatid, hindi kami pareho ng pinaggalingan, ako galing sa langit, siya rejected at excess baggage lang sa impyerno dahil nadaig pa ang kademonyohan ni Satanas , ang ang tanging kalahi ko lang sa amin magpipinsan ay si Theron, bale kasi sampo kaming magpipinsan, una si Dominique, Ako, si Theron, si Yashamae, si Yzabella,

kaming lima ang first batch, tapos ang second batch naman ang mga kapatid namin sina,

Leighton, kapatid ni Dominique

Tapos si Xavier, kapatid ni Theron,

si Anastasia kapatid ni Yasha,

si Jazelle ang demonyita kong kapatid

tapos si Kayleigh kapatid ni Yza,

hindi ko alam kung gusto niyong malaman ang family tree namin, pero bahala na,

Pagkatapos kong kumain at naligo, ay dumiretso na ako sa higaan at pumunta sa dreamland.





Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now