Oh, I think I have found myself a Cheerleader

16 1 0
                                    

C H A P T E R  S E V E N

Alas siete pa lang nang umaga, nandito na kami sa basketball court malapit lang sa bahay namin, kumpleto ang mga hamog ngayon,

Dahil syempre nandito si Geliz ginalingan ko ang pagbabasketball,

Magaling ako eh,

Tig dalawa kami si Pres at si Chan tapos kasama ko naman si Oli,

Medyo masakit ang tinginan ng dalawang kumag dahil nandoon si Luna, sasali sana siya kaso sabi ni Geliz baka maaksidente daw siya ulit, gaya ng nangyari sa Mini Jungle,

Kung alam ko lang may dala nang first aid kit tong si Angeliz eh, kumpleto na girlscout,

Napansin medyo sobrang puti pala si Angeliz,

Naglalaklak siguro to nga glutathione,

Si Luna naman medyo okay lang tamang tama hindi sunog, hindi din hilaw,

Basta hindi ako nagtitingin sa panlabas na anyo,

Medyo lang,

Nakailang rounds kami ng basketball, sa huli nanalo kami ni Oli,

Grabe ang pagcheer ni Angeliz sa akin, at dahil pakitang gilas ako, ginalingan ko, pero syempre I can Walk the Talk, hindi naman napahiya

Parang nagbabangayan ang dalawang to kanina sa basketball, yung tipong nagpapagalingan sila ng pagbali ng kanilang mga tito,

Haha, gets? yung Ankle Break?

Ah basta nasobrahan ata ako kakainin ng sweet corn kanina,

Muntikan pa kaming umawat sa kanila,

Nung nag agawan sila ng bola, nagsuntukan sila tatayo na sana si Luna kaso nakita nila kaya ayun medyo kumalma ang iba,

Tapos nung nasagi ng bola ang paa ni Oli, muntikan niya ng suntukin si Pres, ayun nauwi sa trash talkan tapos nadamay pa si Chan na muntik pa silang bigwasan ng timba na may tubig ulan sa gilid para linisin minsan ang gym, kapag madumi,

Nung pumunta kami sa gilid para ayusin ang sapatos namin, nagshoshoot si Pres tapos natamaan siya ng bola sa mukha,

Tumayo na ang isa kaso nagdive sa kanilang dalawa si Chan at sumigaw ng 'bakla ako', kaya ayun, napunta sa tawanan ewan ko nga kung joke yun, pero nandidiri ang mukha ni Chan nung sinabi niya yun, habang ang dalawang babae naman walang kaalam alam sa nangyayari sa kanila, dahil nasobrahan kakanood ng ewan ko,

Habang ako nakatayo sa gilid nanonood ng kaguluhan na nangyayari sa gilid,

Lumapit ako sa dalawa na naguguluhan na nakatingin sa akin,

"Anyari sa inyo?," Tanong sa akin ni Luna,

"Sa kanila lang hindi ako nadamay dun," saad ko nakatingin ako sa kanilang tatlo na nagsisigawan na,

Biglang may dumampi na bimpo sa mukha ko,

Napatingin ako kay Geliz napinupunasan ako ngayon,

"Ako lang," aagawin ko sana ang bimpo ng inilayo niya ito,

"Ako na," saad niya habang nakangiti,

"Pambawi ko lang dahil sa nangyari sa forest,"

"Wala yun,"



















Ps:

Short Update muna hehehe

Beautiful Karma (Unedited Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora