Chapter 36 - Piano Lesson

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mainit daw ang stars, nakakasunog ng balat 'yon!" what's her point honestly? And to make it more serious, stars won't give me anything aside from its great view at night.

"Kinakausap kita ng maayos, Ezra," hindi nagbago ang marahas na tono niya pero nakakapanlambot 'yung pagbigkas niya sa pangalan ko.

"When I met my moon, I stopped staring the stars," I stated lovingly as I look at her dark eyes.

Pinairal ko na ka-cute-tan ko pero hindi pa rin niya ako binibitawan, nag-aanalisa ang mga mapaghanap niyang mata, tila may gusto pang malaman.

"This is not you.." bulong pa niya, palagay ko hindi pa siya 100% naniniwala sa mga sinabi ko.

"This is me after realizing my feelings and admiration for the moon I like in all the world, tingin ko ilang tulog na lang tapos magigising na lang ko isang araw-mundo na kita," I nibble my bottom lip, "And the funny unfunny thing is, I wish I had met you earlier. Eh, 'di sana noon pa ako tumino.."

"I can't see it," she shakes her head a bit, her blank stare peering into my soul.

"Ano 'yon?" I blink.

"The matinong Ezra," her features turn sharper. "I've told you to pick a real player but you kept coming around me for your god-damned game.."

"Stay blind, Professor Cordova," I say, sarcasm colors my tone.

Binawi niya ang isang kamay niya pero naiwan pa rin ang isa sa kwelyo ko, nanlisik ang mga mata niya, "Who's Catriona?"

"Siya ang inatasan ng Encatadia para ipasa ang bato kay Darna-aray!" napadaing ako kasi humapyaw na sa leeg ko 'yung kamay niyang nasa jacket ko lang.

"Who is she?!" walang pasensya niyang sabi.

"Miss Universe 2018, dati kong misis pero hiniwalayan ko na dahil may bago na akong baby-" binuksan ko na 'yung pinto para depensahan ang sarili ko, umatras siya saglit pero mas lalo lang siyang nagalit. "Okay, Catriona is the name of my big bike, iyong ginamit ko with my racing gang when I got into an accident and nearly broke my elbow. I have a collection of sports bikes, most of which have names and Catriona is one of my favorites."

Hiningal ako matapos kong magpaliwanag sa kanya, binitiwan niya ko nang sipain ko 'yung pinto saka ko hinuli 'yung kamay niya at walang isip ko siyang hinila.

"Do you believe me now?" my voice turns raspy, gosh I think I said too much. "Dahil sa aksidente no'n, nawasak 'yong bike kaya pinaayos ko sa tulong ni Jazzver."

Natuto na kasi ako kay Lucca, baka kapag sa kanya ko binigay si Catriona ay maging tricycle pa dahil siguradong pagtri-trip-pan na naman niya.

"Okay, you're dismissed. You can go back to the resort and have fun playing with the dolphins with your beloved ex-girlfriend," inirapan niya ako. Dang it, pairap-irap na lang pagkatapos ng buwis buhay na interogasyon niya tungkol kay Catriona?

"Selos ka 'no?" tinaasan ko siya ng kilay, binitiwan ko rin ang kamay niya nang masigurado kong bumaba na ang lagnat niya.

"Miss Veneracion, I'd say the exact opposite," she raises her chin, giving me a straight and confident look. "The people inside are looking for me, now if you'll excuse me-"

"Kapag iniwan mo ako rito na wala man lang goodbye kiss, nagseselos ka talaga," pang-aasar ko sa kanya, hinarap niya ako saglit at pinaningkitan.

"Playgirl," she rolls her eyes. "Malandi.."

Bumaba ako ng sasakyan upang mas makalapit sa kanya, hinaplos ko ang kabilang pisngi ko at seryosong tumikhim, "I'm sorry but I respectfully refused to be called playgirl after meeting you, Professor Cordova. Simula ngayon, dito, itigil mo na 'yan dahil ikaw na lang ang babae ko.."

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon