Chapter 35 - Catriona

Start from the beginning
                                    

I hit myself mentally, why am I thinking about kissing her again? Nagbr-breakfast kami.

"Meziah, did I say something to you last night?" tanong ni Ma'am Kelani na nakaupo na pala sa kabilang side ko.

"Yes ma'am," tinakpan niya ang bibig ko gamit ang hinlalaki niya, namilog ang mata ko sa ginawala niya at hindi sinasadyang tumugaygay sa cleavage niya. Ang baba kasi ng sando niya tapos naka-expose pa belly button at iyong mahabang legs niya.

"Ayoko na pala pag-usapan, whatever it is wala lang 'yon. You know me when I'm drunk, I say ridiculous things."

Tumango na lang ako at napakamot sa batok ko. Professor Cordova seemed uninterested in the conversation, but when I met her dark gaze, it gleamed with murderous danger as she slid the napkin near my plate.

"Wipe your mouth," mahinang utos niya, tahimik siyang nagdagdag ng creamer sa kape niya, napakurap ako nang gamitin niya 'yung bread knife para haluin 'yon sa tasa.

"Ma'am?" sinubukan kong iabot sa kanya 'yung hindi gamit kong teaspoon pero hindi niya na ako pinansin ulit, sinunod ko na lang ang utos niya at nakitang may ketchup sa ginamit kong napkin. Oh, I had a ketchup on my lips.

"Do you need anything?" nagtatakang kinalbit ako ni Ma'am Kelani.

"Wala na ma'am," umiling ako, may maliit kasing cake for dessert sa table tapos may cherry toppers kaya naalala ko lips ni Professor Cordova tapos 'nung nagbalak akong tikman 'yung kape ko, naalala ko ulit itsura niya kanina habang hinihigop 'yung kape.

Sinalat ko leeg at noo ko, wala naman akong lagnat?

"Kanina ko lang pala nakita, nasa akin 'yung susi ng kwarto mo Miss Veneracion. Where did you sleep last night?"

Napainom ako ng tubig sa biglang tanong ni Ma'am Averie, at tama bang magpasalamat ako sa taong kumatok sa pintuan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat o hindi nang makilala ko kung sino ito.

"Arthur!" Ma'am Kelani welcomed him, while I was kicking him out the door in my mind using my bread knife.

Walang gulat na gumuhit sa muka ni Professor Cordova so I assumed she expected him to come.

"Oh, is he your boyfriend?" Ma'am Averie teases her. "Napakagandang lalaki naman."

"Future husband lang, ma'am," Arthur chuckles hoarsely, I clutched my hands into fists under the table.

"Art," Professor Cordova glares at him. He moves past me to give her a kiss on the cheek, really? Like seriously, right in front of my buttered shrimp and pancit canton with ethylene oxide?! I'm sick! Bakit ko nga ba iniwasan 'yung thirteen wheeler truck kanina?

"I heard you stopped courting Rafa, bakit future husband pa rin?" Ma'am Kelani speaks behind.

"May usapan kasi kami that if her dating life doesn't work out with others until she reaches her 30's, we'll marry each other," he explains smugly.

So they had an absurd agreement like that? After he was rejected? That being so, I'm summoning all the negative energy and evil spirits from hell to demolish the probability of that deal including his ugly face!

Kung hindi effective ang dasal kong 'yan, hindi pa rin matutupad 'yang pinapangarap niya kapag pinakasalan ko na si Professor Cordova at binigay ko na sa kanya ang apilyedo ko.

"Five years ka maghihintay niyan at magma-manifest na maging single siya hanggang sa pwede na," Ma'am Averie says.

Hindi niya boyfriend ang lalaking 'to pero may gano'ng klaseng kasunduan sila, tapos kung umasta siya parang mas higit pa roon ang papel niya sa buhay ni ma'am.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Where stories live. Discover now