Chapter 33 - Eat or Dare

Start from the beginning
                                    

"Bagong presidente niyo, oh! Akala ko ba matapang ka?"

"Eat me na lang!"

"Ang dare ay sisirin mo ako!"

"Go, Meziah!"

Mayabang akong pumili sa black boxes kahit ang katotohanan niyan ay kabadong kabado ako, parang kasalanan ko pa kasi kung hindi ako mag-participate.

"Holy fish crap!" sigaw ko at napatalon sa nakita.

"Edible 'yan, Meziah! Those babies are safe," Ma'am Kelani chuckles. "We made sure that all of it are clean and tasty.."

Nanlumo ako kasi pagbukas ko ng box, buhay na malalaking cockroaches 'yung nasa transparent box.

"Lasang manok daw 'yan!" sigaw pa ni Jerold. "Sabi nila lasang fried chicken daw 'yan kahit hindi pa ginigisa!"

I wanna fucking puke. Wala akong paki kahit lasang babae pa 'yan! May pambili pa ako ng totoong manok, hindi ako susugal diyan!

"Patayin niyo na lang ako!" mangiyak-ngiyak kong asik. "Hindi ko kakainin 'yan, saksakin niyo na lang ako!"

"May dare pa naman, suko ka na agad?!" sigaw ni Lucca, namumula na pisngi ko sa takot, may pagyugog pa ang mga balikat nina Mighty Deev at Yngrid kakatawa sa kalagayan ko ngayon.

"Pauwiin mo na mga alaga mo, Lucca!" nguso ko sa mga ipis na buhay na buhay pa, tangina? Ano kayang lasa niyan? Dang, I can't imagine. Kahit bayaran ako ng isang malaking baul ng yamashita golds hindi ko kakainin 'yan mga bobo!

"Pick your dare wisely, baby," Achira squeezes my hand first because it's shaking. I quickly took out one pingpong ball, but Achira immediately snatched it from me before I could read the dare. Professor Cordova is discreetly watching me from my peripheral vision with the mic.

"Here it is.." huminto siya at malagkit na tumingin sa 'kin. "We dare you to confess to your crush right now."

"Cockroach or confession to your crush? You choose, Meziah," Ma'am Kelani seriously says. "Eat or dare.."

"Crush reveal!"
"Crush reveal!"
"Crush reveal!"

Sunodsunod na pagtutulak ng mga kasama ko.

"What if 'yung crush ko na lang kainin ko?" naiinis akong nagkibit-balikat, tumawa pa silang lahat dahil sa sinabi ko.

Lumapit ako sa box ng ipis na gumagalaw pa, tumataas balahibo ko sa nakikita, malalaki kasi bawat isa tapos malaman-laman pa. Gamit ang nanginginig kong kamay, sinubukan kong ipasok sa transparent box iyon pero hindi pa ako ginagapangan ay mabilis ko ring binawi sa takot.

My phone beeps, I fish it out of my pocket..shaking.

Yngrid Marshalls:

Dare na lang, just say it's me.
Confess to me, I won't mind.
I can't think of other ways to
help you..

Sent 1 minute ago.

If you don't like the idea,
eat the cockroaches well.
Hindi ka pa nag-dinner right?

Just now.

Alam na alam niyang kahit magunaw ang mundo, hindi ko kakainin 'yung ipis na 'yon o umamin sa totoong nagpapatibok ng puso ko. Kaya para iligtas ang sarili ko, humakbang ako papunta sa tabi ni Professor Cordova.

Kinuha ko 'yung mic na hawak niya, 'nung una ayaw pa niyang ibigay pero bandang huli ay napilitan rin.

"Just give it up," rinig kong sambit niya, pero hindi siya nakatingin sa 'kin, tinanggap niya ang baso ng wine na inalok ni Ma'am Averie. Namumula na ang mga mata niya kaya nasisigurado kong hindi ito ang first shot niya.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Where stories live. Discover now