Chapter 37: Schemes

Start from the beginning
                                    

"Ha? Ang yaman ha?" natatawa naman na saad ni Summer. "Paano kung 'di pumayag ang may-ari ng hotel na ibenta sa 'yo?"

"Easy. I'll move in as your neighbour. Or better yet, I'll move in with you."

"Sigurado ka ba na papayag ako?" Hindi kinubli ni Summer ang kasiyahan habang nakipagbibiruan kay Genesis.

"Yup. Kung hindi man, there's a saying that goes, 'kung hindi makuha sa santong dasalan, kunin sa santong paspasan', 'di ba?"

"Hindi ka talaga nauubusan ng ideas, 'no?"

"Siyempre! Ang tagal na kitang gusto, ngayon pa ba ako magiging torpe?"

"Edi sabihin mo na nga sa 'kin kailan at saan mo 'ko nakilala!"

"At the right time, baby. Not now."

"You and your schemes!" reklamo ni Summer at lalo lamang lumakas ang paghalakhak ni Genesis hanggang sa umalis na sila ng bahay at nagtungo sa trabaho.

***

"HERE'S the invitation for the company ball," ani Paula na bahagi ng advertising at marketing department.

Paula was the same height as Summer; her blonde locks, red sweater, and boots were her trademark. But above all else, Summer had heard that Paula was known for her vast well-rounded boobs. And seeing the woman in front of her, they were right. Perpekto ang pagkagagawa nito ngunit malayo sa pagiging natural. Nakatatakot na baka pumutok ito sa sobrang laki.

Naisip ni Summer na nahmukha siyang flat-chested kahit na may maipagmamalaki rin naman siya.

"Ball?" Inabot ni Summer ang imbitasyon at sinuri ang harapan nito.

"Yes! We've been planning this for a month for the third year-end ball. Sir Genesis isn't one for events, but maybe you can persuade him to come?" Paula grinned sheepishly. "You're his E.A., after all."

"So . . . it's actually for Sir Genesis?"

"Of course!" magiliw nitong sagot. "He owns the place, so he should be there!" 

Summer wanted to roll her eyes at the woman. She was acting quite petty to get Genesis' attention and trample with another woman.

"Alright, I'll let him know." Summer gave her a smirk and laid the invitation over the pile of documents that Genesis had to sign.

Malaki man ang hinaharap ni Paula, si Summer naman ang nasa hinaharap ni Genesis. Gusto na lang matawa ni Summer kahit sa sariling naiisip. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi malabo na sinubukan nila na padaluhin si Genesis sa ball. At mukhang hindi pa rin nagtatagumpay.

Nang lumisan si Paula, kinuha ni Summer ang imbitasyon at hindi pa rin iyon binubuksan. Parang nais na lang niyang punitin ang imbitasyon. Hindi rin naman siya invited. At kung dalawang taon nang hindi dumadalo si Genesis sa ball na 'yon, what would change for the third time?

Tumayo siya at nagtungo sa harap ng pinto ng opisina ni Genesis upang silipin kung abala ba ang binata. Sobrang ingat nang pagbubukas niya ng pinto upang masiguro kung abala ba si Genesis o nasa gitna pa rin ng meeting. The office blinds were currenly down so she couldn't see anything at all.

"Gab?" maingat niyang bulong nang sumilip sa loob ng silid.

Hindi siya sinagot ni Genesis at nanatiling nakapako ang tingin sa screen. Pansin niya rin na hindi pa ginagalaw ni Genesis ang baso ng tubig na iniwan niya sa mesa nito kanina. Nagkibit-balikat si Summer at bumalik sa kaniyang mesa at binalik ang imbitasyon sa mga magkakapatong na papeles. Mukhang sobrang abala ni Genesis at hindi naman iyon bago.

Manliligaw man niya si Genesis, hindi naaalis ang responsibilidad ni Genesis bilang CEO ng kompanya.

Nang buksan niya ang kaniyang emails, nabigla si Summer nang nakita na may email si Genesis sa kaniya na kapapasok lang.

Lumingon si Summer sa opisina at nagsisimula nang umangat ang blinds into. While waiting, she opened the intriguing email.

***

My dearest Summer,

I hope this email finds you well.

As your prospective boyfriend and current boss, I have noticed how stressed you have been from the pressure at and outside work. Concerning this, I would like to invite you for lunch an hour from now. Don't worry, as your boss, I won't fire you again.

No need to get ready. You're always presentable and beautiful. Please be ready within the next hour. I will pick you up from your desk.

I love you.

P.S. I hope you call me by my name in public soon. I love you.

Regards,
Genesis Andreus Bartolome III
President & C.E.O., Genesis Tech

***

Kunot-noo na nilingon ni Summer ang mesa ni Genesis at nakatingin na ito sa kaniyang direksiyon. Kinindatan siya ng binata at napakagat ng labi ang dalaga.

Nagmamadali siyang nag-iwas ng tingin at pinindot ang 'reply' sa email. Mukhang nababaliw na naman ang boss niya. Oras ng trabaho pero ginagamit ang email sa trabaho upang yayain siyang kumain sa labas.

At isa pa, he was so serious earlier, but he was just typing this email for her? Mukhang masusubukan siya sa galawan ng isang Genesis na manliligaw.

***

Dear Mr. Bartolome III,

Thank you for your email.

I want to remind you that you cause the pressure I am experiencing now. But, sure, I would love to accept your invitation.

In the future, please let me know beforehand (at least 24 hours) so I can be on my best look.

P.S. As far as I know, you're a SIR in the office. You're my boss.

Kind regards,
Summer Cruz
Executive Assistant, Genesis Tech

***

Nang i-send niya ang email kay Genesis, hindi na niya muling nilingon ang binatilyo. Pinakakalma niya ang sarili dahil tiyak na namumula na ang kaniyang pisngi.

Hindi naman niya itatanggi na kinikilig siya dahil totoo naman iyon. Nakalimutan na niya ang inis na naramdaman kay Paula. Siya ang nagwagi kung may kompetisyon man.

At bago sila umalis, isang oras mula sa mga sandaling iyon, gusto niyang matapos na sa ginagawa upang ma-enjoy ang tanghalian kasama si Genesis.

Parang bumalik siya sa pagkabata na kinikilig. Summer shook her head with all those thoughts. Dahil sa dami ng nangyari nitong nakaraan, natambakan siya ng trabaho.

"Mamaya na ang landi, Summer. Trabaho na muna," bulong niya sa sarili at saka nag-inat ng mga braso at leeg. Nang makondisyon na niya ang sarili, sinimulan na niya ang pagsagot sa maraming emails.

***

Challenge to unlock next chapter: 37 votes and 40 comments. Makakasa kaya?

Babalikan ko pa rin 'yong comments sa nakaraang chapters haha

#SaveTheBeastForLastWP

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

Jo Elle

Save the Beast for Last (R-18)Where stories live. Discover now