Chapter 5

7 3 0
                                    

BAGYO SA TAG-INIT

Apat na patak ng ulan ang tumilansik sa nakabibinging katahimikan kasabay nang pakikipag-unahan sa hangin. Tila isang plumang lumuluha't gumigising sa mga tanong na hindi masasagot ng mga huwad na salita.

________________________________________________________________

Inaantok na hinila ni Ada ang makapal na kumot sa paanan saka muling bumalik sa pagtulog. Nanuot ang lamig sa kalamnan niya kasabay ng maingay na pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay. Isang oras pa ang lumipas bago tuluyang nagising si Ada na umupo sa tabi ng bubog na bintana.

Unang ulan iyon ng Mayo.

Ang sabi nila mahiwaga raw ang unang ulan ng Mayo. Nakagagamot. Pero bakit hindi gumagaling ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib? Nanatili pa rin ang mga sakit na hindi nakikita ng mga mata sa puso niya.

Tinitigan niya ang bawat patak ng ulan na dumidikit sa salamin. Mahiwaga ang ulan katulad ng hiwaga na ibinibigay ng buhay. May kakaiba itong puwersa na pinalulungkot ang emosyon ng tao. Para bang nakikisama sa bawat kaguluhan ng anumang nasa loob ng tao.

Mayamaya ay nagsawa na rin siya sa panunuod at mabilis na naligo saka tumayo para magtimpla ng kape. Masarap ang kape kapag malamig ang klima. Nagbibigay ito ng kakaibang init sa nanlalamig na kalamnan. 'Yong klase ng init na nakapapaso't gumigising sa pagkatao para matauhan na masakit na pala. Na nakasakit ka na pala sa pagpipilit na pawiin ang lamig sa iyong pagkatao.

Papunta siya ng sala nang matigilan sa binatang nakahiga at mahimbing na natutulog sa sofa. Muling bumalik sa alaala niya ang nangyari kahapon. May utang siya sa binata kung hindi dahil dito ay malamang nasaksak na rin siya ng mga lalaki kagabi.

Sigurado siyang may kinalaman ang mga ito sa nangyari kay Adonis. Hindi malabo iyon lalo pa't makapangyarihan ang pamilya nito. Naguguluhan lamang siya kung bakit siya?

Sa ngayon ay wala siyang dapat pagkatiwalaan. Wala sa loob na lumapit siya sa puwesto ng binata saka tinitigan ito. Hindi niya maipagkakailang gwapo ang binata idagdag mo pa ang malakas na sex appeal nito.

He's tall and muscular with sharp jaw and prominent nose. Napangiti siya nang makita kung gaano kakalmado ang ekspresyon ng mukha nito. Malayo sa pakikipaglaban na ipinakita nito kahapon. Muli siyang sumulyap sa binata saka tahimik na pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Nang matapos ay nilabit niya ang tasa ng kape saka muling pumasok sa kuwarto.

Bahala na ang binata. Muli siyang pumuwesto sa tabi ng bintana saka pinagpatuloy ang panunuod ng mga pagpatak ng ulan. Ilang minuto ang lumipas, nagsawa na siya sa pagtitig sa bintana. Naubos na rin niya ang kape. Muli siyang hinila ng antok kaya bumalik siya sa kama at nagpatangay sa antok.

MASAKIT ang katawan ni Kaleb nang magising. Bahagya ring kumirot ang sugat niya sa tagiliran. Iniikot niya ang paningin at napansin ang ambon sa labas. Wala pa rin si Ada. Siguro ay tulog pa. Kinapa niya ang cellphone para magpasundo. Naiwan kasi niya ang kotse sa café nang sundan si Ada.

Nang lumabas ay kumunot ang noo niya nang mabungaran sa pintuan si Chief Gary at ilang kasamahan sa pulisya. Lahat sila ay natigilan saka siya makahulugang pinasadahan ng tingin. Ngunit natigilan din ang malokong mga ngisi nito nang makita ang tagiliran ng damit niya na may bahid ng dugo.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Someone tried to harm her yesterday." Umiling-iling lamang ang hepe bago ipinaliwanag na kailangan nilang imbestigahan ang bahay ni Ada para sa protocol.

Tumango lamang siya bago hinimas ang batok na bahagyang nanakit. "Alam mong hindi mo kailangang bantayan siya Inspect—"

"Kaleb, chief. Nasa bakasyon ako, remember," putol niya sa hepe.

We All LieUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum