Epilogue

6 2 0
                                    


SABAY SA ALON

Mula sa kailaliman ng madilim na mundo, sumisid at nagpatangay sa alon ng hinaharap. Lumaban hanggang sa mahabol ang kinakapos na hininga. Sa nanlalagkit na isipan binulungan ang pluma at pinilit pinasuka ang kwento ng kahapon.

Halika! Magpatuloy tayo muli ...mula sa wakas patungo sa panibagong simula.

___________________________________________________________

Walang pag-aalinlangang tinungga ni Kaleb ang bote ng alak sa tabi. Sumayad ang mainit na likido sa lalamunan niya kasabay nang bahagyang pag-alog ng yateng sinasakyan. Sinuklay niya ng kamay ang buhok saka tinanaw ang malawak na karagatan. It has been two years but he couldn't help to reminisce the past.

"Lieutenant!" Hindi na siya nag-abalang tingnan ang tumapik sa balikat niya.

"You still go back here," puna ni Rafael na umupo sa tabi niya saka inagaw ang bote ng alak sa kanya at ito ang tumungga roon.

"Hindi ba magagalit ang asawa mong umiinom ka?" he asked curiously.

Last month, kinasal sila Rafael at Adelaida. Gusto pa sana ng mga itong maghintay pero humiling na ang mga Imperial ng kasal lalo na't lumulubo na ang tiyan ni Ade. Si Adonis at Thomas naman ay nagpakasal na rin sa ibang bansa. Samantalang si Camille ay lumipad pa-Amerika para mag-unwind matapos ang ilang linggong pagkaka-confine sa hospital. Hindi rin biro ang traumang natamo ni Camille kaya naman sinamahan ito ni Rizza Imperial sa Amerika para masubaybayan ang dalaga. Kinilala at natanggap na rin ng mga Imperial si Camille bilang bahagi ng kanilang pamilya katunayan inalalayan din ang dalaga ng mga pinsan nito mula sa syudad habang nagpapagaling.

Matapos ang nangyaring gulo two years ago ay wala nang nangiming tumutol sa relasyon nila Adonis at Thomas lalo pa't nalaman nila na hindi talaga sila magkadugo dahil ampon lamang si Adonis ng mga Imperial. Kung hindi pa siguro nangyari ang nakaraan ay hindi maisisiwalat ang mga lihim na iyon. Natanggap na rin ng mga Imperial ang relasyon nila Adelaida at ni Rafael. Sa tulong ni Kaleb ay nakapasok sa scholarship sa pagpupulis si Rafael at ilang taon na lamang ay magtatapos na.

"Nah, she will understand. Nga pala...congratulations...I'd heard about the promotion. Isa sa pinakabatang lieutenant ng bansa. Naks! Your father must be really proud of you, pare." Tumango lamang siya saka muling kumuha ng beer sa katabing cooler.

For the past two years, he busied himself. Kabila-bila ang raid at mga police operation ang isinagawa nila sa pangunguna niya. Inuna nilang linisin ang San Angeles, Victoria at San Sebastian. Lahat ng mga maiimpluwensiyang pamilya na involve sa mga illegal na gawain ay hinuli nila. Walang nagawa maging ang alkalde't ama ni Adonis na nakasuhan ng corruption at illegal possession of fire arms. Hindi nanlaban si Simoun Imperial lalo na sa nangyari kay Adonis. Umiiyak na humingi ito ng tawad kay Adonis at sa mga taong nasaktan at nagawan ng mali nito bago bumaba sa puwesto. Nakulong ng ilang buwan ang alcalde bago lumipad ng ibang bansa kasama ang asawa para magsimula muli. Kasalukuyang kasama ng mag-asawa si Camille na inaalalayan ng mga pinsan sa Amerika.

Ilang buwan bago mangibang bansa ang mga Imperial ay namatay na rin si Don Isidro na hindi na muling nagising simula nang ma-comatose ito. Napasama ang naging pagbagsak nito ng panahon na nawala si Adonis na nagdulot ng blood clot sa ulo. Si Adonis ang kasalukuyang namamahala ng asukera at ang mga naiwang negosyo ng pamilya nito sa bayan. Nabigyan ng maraming trabaho ang mahihirap na pamilya nang si Adonis at Thomas na ang namahala ng asukera at mga negosyo ng mga Imperial sa bayan. Nagpatayo rin sila ng mental clinic para sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga taong may pinagdadaanang mental at emosyonal.

Si Carlos Montenegro naman ay napatunayang nagkasala sa pananakit at panghahalay sa sariling anak at asawa nito bagama't hindi na nito mararanasan pa ang hirap sa likod ng mga rehas dahil patay na ito. Ang asawa nitong si Sandra ay nangibang bansa at kasalukuyang tinutulungan ng kapatid nito roon. As for SPO1 Jerry Balabat? Dead on the spot ito nang gabing iyon though naging aral na iyon sa mga pulis ng bayan ng San Angeles at mga karatig-bayan.

We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon