Prologue

19 2 0
                                    

"Once, there were three pairs of shoes crossing the threshold of the bountiful town of San Angeles. After several days, one pair of shoes mysteriously disappeared.... until one day..."


Gabi iyon ng Abril habang bumabagsak ang nangangalit na ulan sa yero ng isang dampa. Sa saliw ng aandap-andap na gasera maaninaw ang pares ng tuhod na nakaluhod sa magaspang na sahig.

"A-Aba Ginoong Maria. Napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat. A-At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus..."

"AHH! ARGHH!" Pumailanlang ang sigaw kasabay nang pag-usal ng dasal. Sa bawat pag-garalgal ng sigaw ay tila paglatay din sa kalamnan ng mga tao sa silid. Mga palahaw na gumuguhit sa puso nila.

"Santa Maria ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mama—"

"Bilis! Pahinging gasa!"

Tumakbo papasok sa may kadilimang silid ang taong kanina pa nasa harapan ng mga santo at umaasang maririnig ang kaniyang panawagan.

"K-Kamusta siya?" Lumuhod ito sa tabi ng kawayang pagpag at hinimas ang buhok ng binatang halata ang pagod at panghihina.

"Kailangan niyang magpahinga bago natin pag-usapan ang nangyari. Uuwi ba siya?"

"H-Hindi ko alam. Siguro umaga na ang labas niya. Pero hindi niya pwedeng malaman i-to. M-Mapahahamak tayong lahat," pabulong wika nito. Tumango lamang ang kausap nito saka nila tinitigan ang binatang nagpapahinga.

Ilang minuto silang natahimik at nakinig sa ingay na nililikha ng mga patak ng ulan. Kailangan na nilang mag-isip ng susunod na gagawin bago bumagsak ang huling patak ng ulan. Kung hindi...Kung hindi ay mapahahamak silang lahat.

"H-Hindi...Hindi maganda ang iniisip mo! Alam mong kapag nalaman nila... h-hahanapin nila tayo—" Huminga ito nang malalim bago muling pinagpatuloy ang sinasabi, "Hindi n-nila tayo p-patatahimikin." Hindi nito napigilan ang panginginig ng boses. Iniisip pa lamang nito ang maaring mangyari kapag pumalpak sila ay nangangatog na ang tuhod niya.

"P-pero hindi ko na ka-ya...H-Hindi ko na kakayanin pa." Mahinahon man ay nangibabaw ang pagkabasag ng boses ng binata habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Tumitig ang kaibigan nito sa apoy mula sa gaserang nasa lamesa. Matagal. May ibig sabihin. Sinundan nito ang sumasayaw na apoy sa saliw ng malamig na hangin. Habang nakatitig ay nag-isip nang maigi bago bumuntong hininga.

"Wala na tayong pagpipilian. P-Pero hindi dapat tayo pumalpak...kung hindi...kung hindi..."

"T-Tutulungan n'yo ako hindi ba?" Nagmamalabis ang pigil na luha sa mga mata ng binata. "...T-Tulad ng pinag-u-usapan...t-tulad ng ipinangako mo."

Marahang tumango ito. "Tutulong ako." Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga saka pinagpatuloy ang sasabihin, "Kung kinakailangan pumatay ako ng kaibigan, gagawin ko. Makikinabang din naman ako kapag nagtagumpay tayo sa bagay na ito."

'Walang dapat makaalam. Kung hindi pare-pareho silang mapapahamak.'

"Bukas ng gabi, magkita tayo sa loob ng kakahuyan."

NAKATAYO ang dalaga sa may katarikang bato habang nakatitig sa dampang nilalamon ng apoy. Tumingin siya sa itaas para sipatin ang bilog na buwan saka binalingan ang kaibigang lumuluha.

Hindi na sila pwedeng bumalik. Wala na itong babalikan pa.

"Huli na ang lahat! Hindi ka na pwedeng umatras. Alam mo ang kapalit ng plano hindi ba!?" sigaw niya sa kaibigan habang hinihigit ito papasok sa kakahuyan.

"Pero paano—"

"Huwag kang ipokrito! Naghihintay na siya sa'yo! Huwag mong sabihing ngayon ka pa naduwag?" Malakas na niyuyog niya ang balikat nito. Ginigising mula sa pagkatulala. Kinulong niya sa mga palad ang mukha nito para matitigan ang mga matang nakatanaw sa apoy na lumalamon sa buong dampa.

"Look," utos niya.

"Look at me! Ako na ang bahala rito. Tumakbo ka na." Hinaplos niya ang pisngi ng kaharap saka pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi nito.

"Magpakalayo ka. Tumakbo ka na bago pa sila makarating dito. D-Dahil tiyak na hindi nila palalampasin ang ginawa natin. Bilis! Takbo!" sigaw niya saka malakas na itinulak ito papasok sa madilim na gubat.

Halos matumba ito sa pagtulak niya. Nag-aalangang nilingon pa siya ng madungis na mukha nito. Nginitian niya ito saka sinenyasan na lumayo na.

"Salamat. Mag-iingat ka," lumuluhang anito bago nagmamadaling tumakbo papasok sa gubat.

Sinundan niya ng tingin ang binata saka ngumiti nang mapait bago tumingala sa langit upang pigilan ang nagbabadyang mga luha. Tumitig siya sa malawak na kalangitan saka bumulong sa hangin.

"M-Mahal kita...," bulong niya umaasang dadalhin ng hangin ang tinig niya sa binatang hindi niya tiyak kung makikita pa niya muli.

Tumawa siya nang pagak saka nilingon ang lumalaking apoy na nilalamon ang buong dampa. Saglit lang at kaagad din siyang tumakbo papaalis sa lugar na iyon.

"Magiging maayos ang lahat," kumbinse niya sa sarili.


'Hindi maari ito!' sigaw niya sa isip.

Nag-aalangan siya kung susundan ba ang kaibigan o magpapatuloy sa pagtakbo. Pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang makalayo roon. Tinanaw niya ang madilim na kakahuyan habang tumatakbo palayo.

Napakadilim niyon na tila ba may nanahan na mga halimaw. Nakatatakot. Pero hindi iyon maikukumpara sa takot niya pag-gumapang na ang liwanag. Takot siya sa dilim ngunit mas natatakot siya sa maaring ibunyag ng liwanag.

""Once, there were three pairs of shoes crossing the threshold of the bountiful town of San Angeles. After several days, one pair of shoes mysteriously disappeared. But the time will come, a person will come to tell what secret lies in the disappearance..."


/// This is an unedited copy of "WAL," so expect a lot of grammatical errors, misspelled words, and all; since I'm using this platform for the drafts of my stories. But expect a fixed and cleaned manuscript in a hardbound copy of the book if you'll avail yourself of it, aside from added chapters and scenes, and poems. Thank you.

We All LieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu