Chapter 2

8 2 0
                                    

ILUSYON

Hindi lahat nang nakikita't naririnig ay totoo. Minsan may mga ilusyong humahalo sa mga larawang nabuo sa ating isipan. Madalas hindi na natin alam kung ano ang totoo sa hindi. Kung ano ang dapat paniwalaan sa hindi.

_______________________________________________________________________________

Ang Araw ng Pagkawala

Ilang oras bago i-anunsyo ang kasal nila Adonis Imperial at Clara Montenegro sa malawak na bakuran ng mga Imperial. Ang lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan ibinibida ang karangyaan ng kanilang mga alahas at buhay. Halos lahat ay nagpapasiklaban sa mga kwento't kanya-kanyang proposal patungkol sa negosyo't pagkakaperahan.

"I hope you'll consider my proposal, kumpadre. Now that magiging pamilya na tayo," nagbabakasakaling wika ng matabang lalaking si Carlos Montenegro, ang ama ni Clara. Kausap nito si Don Isidro ang pinakamatandang Imperial. Ilang taon na rin itong nanliligaw sa mga Imperial para sa sinasabing negosyo nito. Mabuti na lamang at may silbi rin pala ang anak nitong magiging susi para maging mas makapangyarihan at mayaman siya sa bayan na iyon.

Narinig sa loob ng mansiyon ang malutong na tawa ni Don Isidro saka makahulugang tinapik sa balikat si Carlos bago lumingon-lingon sa paligid.

"Simoun!" may diing tawag nito sa panganay na anak. "Nasan si Adonis? Malapit na mag-alas dose. Ipakikila na siya sa mga tao." Pasimpleng lumingon sa likuran ang Don nagbabakasakaling makita si Adonis, ang pinakapaborito niyang apo.

"Minessage ko na s'ya. Malapit na sila, Papa."

"Siguraduhin n'yong aabot siya sa oras, S'moun," may pagbabantang wika ng Don.

Kasabay ng engagement party ay ang pagpapakilala ng Don kay Adonis Imperial bilang bagong mamamahala sa mga negosyo't malawak na lupain ng pamilya. Hindi lingid sa karamihan na si Adonis ang papalit sa puwesto ng Don dahil sa pagiging panganay na apong lalaki ng pamilya. Marami rin ang nagsasabing namana ni Adonis ang galing at talino ng Don sa pagpapatakbo ng negosyo ...at marahil maging ang pagiging tuso ng Don.

Ilang minuto pa ang lumipas nang muling bulungan ng Don ang anak para alamin kung nasaan na si Adonis.

"Relax, papa. Parating na rin iyon." Mapanganib na tinitigan muna ng Don ang mga mata ng anak bago tumango. Nakahinga naman nang maluwang si Simoun nang iwan siya ng ama saka pasimpleng hinaklit ang braso ng asawang si Rizza.

"Nasaan na ba ang anak mo!?" galit na tanong niya sa asawang hindi rin alam ang isasagot dahil kahit ito ay wala ring ideya kung nasaan na nga ba ang anak na lalaki.

Ang pagtatanong niya ay naputol ng malakas na sigaw sa bungad ng mansiyon.

"M-Mom! D-Dad!" Mula sa tarangkahan ng masiyon ay humahangos na dumating si Adelaida na madungis ang itsura't takot na takot. Nahawi ang grupo ng tao sa daraanan nito.

"Ade!" Mabilis na dinaluhan ito ni Rizza.

Mabilis na nakatunog ang Don at maagap na sinenyasan ang katiwala para ilabas ang mga bisita na nasa loob ng mansiyon. Kaagad tumalima ang ilang bodyguard para palabasin ang mga tao sa loob at dalhin sa bakuran kung saan gaganapin ang pangunahing okasyon.

"Anong nangyari Adelaida!?" tanong ng Don na dinaluhan ng anak.

Nag-aalinlangang tumingin si Ade sa Don saka sa mommy niya. "N-nasunog 'yo-y-yong cabin."

"Ano naman kung nasunog ang walang kwentang cabin na iyon!?" Walang paki-alam ang Don tungkol sa lumang cabin na kinalimutan na ng pamilya nila.

"N-Na—" Muling tumigil si Ade sa paglalahad. Masyadong mabilis ang nangyari saglit lamang niyang iniwanan ang kapatid.

We All LieWhere stories live. Discover now