Chapter 7

7 2 0
                                    

BAKAS

Mula sa madilim na silid, kasabay nang pag-usal ng pagmamakaawa ay ang pagtupad sa kasunduan sa anino. Sumandali ang mga paa—nag-iisip—hanggang sa tumakbo patakas sa selda ng nakaraan at katotohanan.

___________________________________________________________

Natigilan sila Ada at Kaleb sa pag-uusap nang umubo at dumura ng dugo ang lalaki. Paika-ikang tumayo ito at humarap sa kanila. Saglit lang at napatanga sila nang makilala ang lalaking nakangisi sa kanila.

"Rafael!?" panabay na tawag nila ni Kaleb.

"What the fuck ano'ng ginagawa mo dito?" Naunahan siya ni Kaleb sa pagtatanong sa binata.

"Pwe!" Dumura muna ito bago muling nagsalita, "Sinundan ko kayo."

Iyon ang naging hudyat nila bago daluhan si Rafael papasok sa loob ng bahay. Nakasalubong rin nila ang guwardiyang mukhang nagising sa ingay nila. Sinenyasan lamang ito ni Kaleb para muling bumalik sa puwesto nito. Nang makapasok sa loob, doon lamang ni Ada nakita ang mga galos at pasa sa mukha ni Rafael. Mukhang napasobra ni Kaleb ang suntok dito. Nang mapansin ni Rafael ang tinitingnan ni Ada ay nakaingos na nagsalita ito.

"What? Pinagbigyan ko lang 'yang boyfriend mo," katwiran ni Rafael na si Kaleb ang tinutukoy.

Mabilis na umiling-iling siya sa sinabi ng lalaki. "Hindi ko siya boyf—"

"Sige na, gamutin mo na lang ako." Hindi na natuloy ni Ada ang sasabihin dahil sinimulan na niyang gamutin ang mukha ni Rafael.

May pasa rin si Kaleb pero mas inuna niyang gamutin si Rafael na sinadya niyang diinan ang sugat dahil sa kayabanagan nito. Matapos masiguro na hindi gagawa ng anumang katarantaduhan si Rafael, saglit na nawala si Kaleb para maligo muli. Nang tuluyang makaalis si Kaleb ay mapanuring sinuyod ni Rafael ang kabuuhan ng bahay saka tinatantiyang tiningnan si Ada.

"Pinagkakatiwalaan mo ba siya?" tanong ni Rafael na iningunguso ang pintuang pinasukan ni Kaleb.

Saglit siyang napa-isip saka tumango. Hindi na siya nakapagsalita dahil lumabas na muli si Kaleb suot ang bagong damit. Hinagisan nito ng malinis na damit si Rafael saka sinenyasahan na magpalit sa kuwarto.

Nang muling lumabas si Rafael ay seryosong pinasadahan ng tingin ito ni Kaleb pero tinugon lamang iyon ni Rafael ng tanong. "May pagkain ba kayo rito?"

Wala silang nagawa kung hindi bigyan ng pagkain ang binatang mukhang isang linggong hindi pinakain.

"Bakit mo kami sinundan? Hindi ba dapat nasa presinto ka pa?" Hindi makatiis na pag-usisa ni Kaleb sa lalaking patuloy nilalantakan ang mga pagkain.

Nakatayo at tahimik na nakikinig lamang si Ada sa dalawa sa sulok ng kusina. Iniangat ni Rafael ang mga mata saka tinitigan si Ada.

Ilang segundong pinag-aralan ni Rafael ang ekspresyon ng mukha niya bago siya tuluyang ininguso. "Dahil sa kanya."

Tiningnan siya ni Kaleb saka muling ibinalik ang atensyon kay Rafael na nagpatuloy sa pagkain. Ilang saglit silang natahimik hinihintay na matapos sa pagkain si Rafael. Nang matapos sa pagkain ay saka sila bumalik sa sala at umupo. Parang haring umupo si Rafael sa sofa saka nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Kaleb na nasa harapan nito.

"Bago n'yo ako purgahin ng mga tanong. Ako muna ang magtatanong..." Natahimik lamang silang dalawa para bigyang daan ang anumang sasabihin ni Rafael.

"Anong kinalaman ng kapatid ko sa plano niyo ni Adonis, Ada?"

Ilang segundong tumahimik ang sala. Ang atensyon ng dalawang binata ay na kay Ada na. Wala sa sariling napakagat labi siya. Pinag-iisipan kung tama ba kung sabihin niya ang mga nalalaman. Kung magiging masaya ba si Ema kung palalayain niya ang katotohanang kanilang ikinulong.

We All LieWhere stories live. Discover now