Chapter 16

6 2 0
                                    

KONSEPTO'T PAGLALARO

Anim, magsinungaling ka muli. Pito, baliin ang pangako. Walo, maghugas kamay. Siyam, humalakhak sa kabaliwan. Sampo, takbo! Tumakbo ka tulad ng anino sa dilim.

___________________________________________________________

"Mukhang napansin mo na rin sa wakas, Inspector Kaleb," nakalolokong ngisi ni SPO1 Balabat matapos batiin si Kaleb na bahagyang natigilan.

Nanlalaki ang mga matang nilingon ni Ada at Adonis, na hindi halos makalagaw, si SPO1 Balabat. Paano naging tauhan ito ni Clara? Sa anong dahilan?

(FLASHBACKS)

NASA kalagitnaan ng pagtakbo si Adonis nang marinig ang mga kaluskos sa likuran niya. Pero hindi ito tumigil sa pagtakbo hanggang sa may lalaking lumitaw sa likuran niya.

Hindi niya pinansin ang lalaki sa likod imbis ay mas binilisan niya ang pagtakbo ang kaso ay kasabay ng putok ng baril ay siyang pagdaloy ng kirot sa binti niya. Nanghihinang napaluhod si Adonis dahil sa binting dumudugo na dahil sa bala ng baril na tumagos dito. Lilingunin niya sana ang lalaking bumaril sa kanya nang biglang may tumakip ng tela sa buong mukha niya.

***

LUMAYO muna si Clara sa mga katrabaho bago sagutin ang tawag sa sekretong cellphone niyang de-keypad. Kaagad nagsalita ang lalaki.

"Kailangan mong bantayan ang Emalyn na iyon. Naka-usap siya ni Ada sa simbahan. Baka ang Ema pang iyon ang magpahamak sa atin." She rolled her eyes. Kahit kailan problema talaga ang dala ng ipokritang Ada na iyon. Masyadong pakialamera. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Balabat na kasabwat ito ni Adonis ay hindi niya malalaman iyon. Mabuti na lamang at may tagakalap siya ng impormasyon at tagapaglinis ng mga gusot.

"Tsk! Ako na ang bahala sa babaeng iyon. Basta sundan mo lang sila. Ano pa ang balita sa kaso?" usisa niya kay SPO1 Balabat.

Katulad niya ay galit din ito sa mga Imperial lalo na kay Don Isidro na dating amo ng ina nito. Nang mamatay ang ama ay lalong naghirap sila Balabat, hindi tinulungan ng mga Imperial ang pamilya ni Balabat kahit na nagmakaawa itong tulungan ang inang naghihingalo sa hospital. Nang mamatay ang ina nito ay lumuwas ito sa Maynila para pumasok sa pulisya.

Ang kaso ay mukhang nakulangan ang binata sa kinikita nito sa pulisya kaya lihim na tumatanggap ito ng mga suhol at ilang illegal na transaksiyon. Mahirap man paniwalaan ay kaibigan ni Balabat si Danilo Reyes na kasamahan ng yumaong ama nito sa sindikato dati. Nang malaman nitong naghahanap ng tauhan si Clara kapalit ang malaking halaga ay nirekomenda ni Danilo si Balabat kay Clara na balak na ipatubos si Adonis sa mga Imperial pagkatapos itong pahirapan.

"Tiyakin mong hindi ako sasabit diyan. Tsaka nga pala, kailan mo ipatutubos ang Adonis na iyon? Aba, sayang naman kung hindi ako kikita ng malaki sa fiancé na hilaw mong iyon."

Muling napa-ingos si Clara sa sinabi ng kausap. "Hindi pa pwede. Pahihirapan ko muna siya bago tayo humingi ng pera."

"Siguraduhin mo lang may makukuha akong pera. Kailangan ko ng malaking halaga para makaalis na ako sa buysit na bayang ito."

***

"AKALA ko ba nagawan mo na ng paraan ang Ada na iyon? Eh, bakit nagawa pa akong tawagan para gamutin ang pulis maynila na 'yon?" tanong ni Clara kay Balabat.

"T*ngina, malay ko bang sinusundan din siya ng pakialamerong Kaleb na iyon? Mabuti nga at hindi ako nakilala," reklamo ni Balabat matapos tangkaing kidnapin at patayin si Ada kagabi. Ang kaso hindi niya ini-expect na darating ang inspector.

We All LieWhere stories live. Discover now