Chapter 18: Drunken people.

14 1 0
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW

It's already 6pm and we're on our way back to the hotel, we enjoyed the Malatongtong falls.

Nang marating ay umuwi na si Philip at binigyan namin s'ya ng tip and groceries for helping us to explore and enjoy.

We decided to go to the Sablayan town plaza, it's nice here there's a screen in front of the Astrodome.

There's a lot of couples and some people here, having a quality time.

"It's peaceful here." Ani ni Kenzie na nakatanaw sa paligid habang 'yong dalawa naman ay nasa mga vendors bumibili ng pagkain.

"Then live here." Ani ko, inis naman s'yang tumingin sa'kin na ikinatawa ko ng mahina.

"Dude! Sobrang cheap ng mga foods nila dito." 'Di makapaniwalang ani ni Kenzo saka inabot sa'kin ang burger and shake.

Pumunta naman sa harap namin si Zill at kinunan kami ng litrato ni Kenzie ng hindi sinasabi.

"At least informed us?" Ani ni Kenzie.

"O'sige! Isa pa smile!" Ani n'ya saka lumiwanag ang paligid namin dahil sa flash.

"Ha! Ang cute!" Ani n'ya, kumuha s'ya ng kumuha ng litrato sa paligid.

"Kuya! Kuya p'wede mo ba kaming kunan ng picture?" Tanong n'ya sa isang lalaki na naglalakad.

Tumango ito at kinapitan ang camera, tumakbo naman si Zill sa amin at tumabi sa'kin.

"Pre mga kano ba 'yan?" Ani ng lalaki sa likod namin.

"Pagtripan natin?" Ani n'ya.

Inunat ko ang likod ko dahil nangangalay na ako nang biglang nagsalita ulit ang lalaki.

"Ay gago pre! Ang laki ng likod." Narinig ni Kenzo 'yon kaya napalingon s'ya, agad na umalis ang tatlong lalaki.

"Anong may-roon sa likod?" Bulong n'ya sa'kin, kumibit balikat naman ako bilang tugon.

"Na-curious ako doon ah." Ani n'ya napailing naman ako.

"Ay hala be! Ang pogi nilaaa!"

"Bakit sa tagal ng panahon ngayon lang ako nakakita ng gan'yan?"

"Hala ang gaganda nila!!"

"Mukha silang mga artistaaaa! Papicture tayo!"

Rinig kong bulungan ng ilang kababaehan, napansin ko din na madami ang nakatingin sa amin.

"They're creeping the hell out of me." Ani ni Kenzie, tumayo naman si Kenzo at lumapit sa isang lalaki.

Nang makabalik ay tinignan n'ya ulit ang likod ko na ikinataka ko.

"Kaya pala." Ani n'ya habang nagtatango-tango.

"What?" Takang tanong ko.

"Sabi nila, dito daw pag malaki ang likod hindi kinakalaban kasi malakas sumuntok. Try mo nga akong suntukin kung malakas nga." Ani n'ya, napailing naman ako.

"Baka ma-knock out ka." Natatawang ani ko.

"Talaga ba? Yabang natin ah!" Ani n'ya natawa naman ako.

That Risky ManWhere stories live. Discover now