Chapter 03: My life as a student

44 2 0
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW

Paghinto ko ng kotse ay maarteng rumampa si Zill papasok sa CU, agad naman akong bumaba at walang ganang naglakad.

Rinig ko ang tilian ng mga estudyante na parang ngayon lang sila nakakita ng gwapo.

"Oh my god! Ang gwapoooo n'ya!!!!"

"My ghaddddd! Sana maging friends kami ni Macriza Zill!"

"Ano bang lahi ang meron sila? OW-EM-GEEEEE !!!!!!"

Napairap naman ako sa ingay ng babae dito, agad naming tinungo ang room namin.

We're at grade 10th high schoolers.

"Omg! Si Ms. Domingo at Mr. Ferrer! Ang ganda ng lahi nilaaa!"

"Grabe! Alam mo ba may bagong transfer, galing silang Germany!"

"Madami pang ibang transferee, pero sa lahat ng nakita ko kanina noong dumaan ako sa Dean's office si Justine ang pinaka gwapo sa lahat!!!"

Tinignan ko sila na ikinatigil nila, napairap na lang ako habang hinihintay ang prof.

Nasa huling bakante ako ng seats para makatulog ako pag boring ang topic.

Maya-maya ay dumating na ang prof, istrikto itong tumayo sa harap at walang gana akong umayos ng upo.

"Good morning class, today we have our new transferred students from different countries and schools. Would you please come inside and introduce yourself?" Istriktong saad nito, agad namang pumasok ang dalawang estudyante kung hindi ako nagkakamali ay kambal ito.

"Anyoseo, Hi! I'm Damon Yael Montero, 14 years old. If you're confused why I'm 14 at the 10th grade we go to school in advance." Halata sa pananalita n'yang hindi s'ya gan'on ka fluent sa english.

"Anyoseo! I'm Drianna Ella Montero and I'm 14, as you can see we're twins! We're from Seoul." Nakangiting saad ng koreana na ito, I think they're half Filipino.

"Take your seats right there." Tumango sila at tinungo ang upuan sa harap ko.

"Okay get inside." Saad ng prof, agad na pumasok ang isa.

"Hi everyone! I'm Wendy Lyn Mendez, I also take study in advance. I'm 14, from Canada." She sweetly said saka umupo sa harapan ng dalawa katabi si Zill.

"Okay the last two, get inside." Saad ng prof, prenteng naglakad ang dalawa at humarap sa buong klase.

Naagaw ng atensyon ko ang babaeng deritsyong nakatingin sa'kin saka ngumisi.

Napakunot naman ang noo ko sa inasta n'ya.

"I'm Mckenzo Theodore Mcconaughey, 13 from Germany. Hope we all can get along." Narinig ko naman ang tilian ng ibang babae dahil sa lalaking ito.

"I'm Mckenzie Thiana, 13 from Germany. We're twins if isn't obvious for you guys." Walang ganang saan n'ya saka tinungo ang seat sa tabi ko.

"Hi there dear Zayn." Nakangising saad n'ya saka tinuon ang atensyon sa harapan.

Tinignan ko s'ya na para bang kilala ko s'ya noon pa man.

That Risky ManWhere stories live. Discover now