Chapter 16: Weirdo.

13 1 0
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW

It's been 2 weeks and ngayon ang balik namin sa Philippines, gusto ni mama na sumunod ako sa Mindoro kahit ilang araw na lang ang natitira.

Kasalukuyan akong naghahagis ng dagger sa target board, I've learned a lot and Monrick is insanely proud of it.

"Impressive." Ani ng boses sa likod ko, agad kong pinalipad ang dagger at tumama ito sa gitna.

Kinuha ko ang bottled water at uminom, pinunasan ko ang pawis kong rumaragsa sa buong katawan ko.

"You've learned so fast, I'm impressed." Ani n'ya habang naka pamaywang.

"I'm always impressive." Nakangising ani ko.

"Anyway, get your things ready. Mamayang gabi ang flight natin." Ani n'ya saka deri-deritsyong lumabas.

Naagaw ang atensyon ko sa phone ko, kinuha ko ito at nakita ko ang 10 missed calls galing kay Zill.

Agad ko naman s'yang tinawagan at singot n'ya naman ito.

"What's up? Why did you call me?" Bungad ko sa kaniya.

"Ano ba Justine?! Dyes oras na ng gabi!" Inis na singhal n'ya sa'kin, kumunot naman ang noo ko.

"You've just called me 20 mins ago, baliw ka ba?" Inis na ani ko.

"Natutulog ako! Nambulabog ka pa! Ano bang kailangan mo?! Wala ka na----- Thianaaaa!" Biglang sigaw n'ya.

"Zill?! What's going on? What the hell is happening?!" Tarantang singhal ko sa phone ko.

Hindi ko marinig ng ayos ang na sa kabilang linya, dali-dali akong lumabas at kinuha ang gamit ko.

Hinarang ako ni Monrick nang akmang lalabas ng mansion, kunot noo s'yang nakatingin sa'kin.

"Zill?!" Tawag ko kay Zill.

"Tatawagan na lang kita!" Ani n'ya saka binaba ang tawag, dali-dali akong sumakay ng kotse at iniwan si Monrick na nagtataka.

Dumeritsyo ako sa airport at agad na nag book ng flight.

14 hours had passed, I already land in the Philippines airlines.

Dali-dali kong tinungo ang daan patungo sa mansion, nang makarating ay nagbihis ako saka dali-daling nagmaneho papunta sa Batangas Pier.

Makalipas ang tatlong oras ay narating ko ito, kasalukuyan akong nakasakay sa barko patungo sa Abra de Ilog.

It's almost midnight nang marating ko ang Abra de Ilog, dali-dali akong nagmaneho patungo sa bayan ng Sablayan.

It's already 2:22 in the morning, and I don't know where I am going.

Sinubukan kong tawagan si Zill pero hindi n'ya ito sinagot, tumungo ako sa isang store at bumili ng makakain.

I'm kinda sleepy, Zill isn't answering my phone calls—I'm getting pissed off.

Huling tawag ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil sinagot n'ya na ito.

"Anak ng tinapa ka naman Justine?! Ano ba?! Alas dos na ng madaling araw nambulabog ka pa?!" Singhal n'ya sa kabilang linya kaya naman nailayo ko ito.

"Where are you Zill?" Tanong ko dito.

"Tanga ka ba? Alam mo namang nasa Mindoro kami nagtatanong ka pa!" Inis na ani n'ya.

That Risky ManWhere stories live. Discover now