Chapter 10: What world is this?

22 1 0
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa CU, then I saw this riding in tandem snatching the old lady's bag.

I hurriedly follow them, they're routing at the forest.

Nang huminto ay agad nilang binuklat ang laman ng bag, dahan-dahan akong lumapit at hindi pa din nila nararamdaman ang presensya ko.

"Old fuckers don't want to find a real jobs." Malakas na ani ko saka ko naagaw ang atensyon nila.

Gulat silang nakatingin sa'kin pero agad ding napalitan ng tawa.

"Hoy bata! Mali ka ata ng kinakalaban mo!" Tumatawang ani ng isang lalaki.

"Kung ako sa'yo umuwi ka na." Ani pa noong isa.

Lumapit ako at sila naman tong nagyayabang na hindi makapaniwala.

"Pre naghahanap ata ito ng sakit sa katawan." Ani ng lalaki, ngumisi lang ako.

Akmang susugurin nila ako nang bigla akong mapayuko dahil kita ko ang pagpapalipad ng bala ng pana sa gawi namin—natamaan ang dalawang lalaki habang ako ay nakailag.

Agad akong tumango sa likod ng kotse at sinilip ang mga nakamaskarang mga lalaki.

"Sino ka at bakit ka narito?" Tanong ng isang lalaki na nakatutok ang dagger sa leeg ko.

"None of your business." Ani ko, agad n'yang tinadyakan ang likod ko dahilan para mauntog ako sa likod ng kotse at unti-unti nang nawalan ng malay.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko, nakagapos ang katawan ko sa upuan.

Pilit ko itong inaalis pero nauubusan lang ako ng lakas, maya-maya pa ay may pumasok na isang babaeng naka maskara.

"Let me go." Malamig na ani ko, tumawa lang s'ya.

"You entered the wrong place pretty boy." Nakakadiring ani nito.

"I said let me fucking go!" Singhal ko sa kaniya.

May biglang pumasok na lalaki at may kausap ito sa telepono.

"Yes agent, na sa HQ kami with this unfamiliar guy who entered our world." Ani nito na ikinakunot ng noo ko.

Our world? What the hell?

"Let me fucking go!!!" Inis na singhal ko, lumapit sa'kin ang lalaki at kinapitan ang baba ko.

"Just wait." Ani nito saka sila lumabas noong babae.

Makalipas ang kalahiting oras ay bumukas ang pinto kasama nito ang medyo matandang lalaki na naka white suit at maskara.

Kita ko ang mata n'ya, gulat at hindi makapaniwala.

Agad n'ya akong kinalasan, at humarap sa mga kasama n'ya sa likod saka sinampal ang isa.

"Agent! Bakit mo ginawa 'yon?!" Singhal ng babae.

"Hindi ba't ipinakilala na sa inyo ang mga taong hindi n'yo dapat ginagalaw?! Ferrer ang isang 'yan! Justine Ferro Ferrer!" Singhal ng lalaki sa mga kasama n'ya.

Habang ako naman ay takang-taka sa nangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit kilala nila ako.

"S-S'ya ang anak n-ni Zcriz at Jlym!" Ani ng babae na lahat ngayon ay gulat ng nakatingin sa'kin.

"What on earth is happening?!" Singhal ko, agad naman silang yumuko na lalong ikinataka ko.

"Paumanhin!" Sabay-sabay nilang ani.

That Risky ManWhere stories live. Discover now