Noong makaramdam ng ihi ay isinawalangbahala ko iyon.

I didn't think of it too much ngunit buwan buwan ata ay napapansin ko iyon, depende kung nasa matao akong lugar. Laging nakamasid at hindi ko talaga namumukhaan dahil palaging nasa madilim na parte.

Kinakabahan ako lagi. At sa tuwing napapansin niyang napapansin ko siya, tatalikod, yuyuko at aalis.

That man isn't familiar! Kaya sino iyon? Hindi ko kilala.

Bigla kong naisip ang ginawa, ang mga Delafuente. No... did they sent some men in order to punish me? Pinapamatyagan ba nila ako?

"Lolo. Did you send some bodyguard for us?" tanong ko noong madatnan ito sa sala na nagbabasa ng dyaryo.

"I thought you don't like it? Iyon din ang sabi ni Dos sa akin. Na hindi ka komportable sa ganoon."

So... That wasn't our men? Ibig sabihin... may... may nagpapamatyag sa akin?

"Why?"

Umiling ako at ngumiti. "Wala lang po..."

Nagtagal ang tingin ni Lolo sa akin. Naninimbang ang mga mata.

"I'll give you one if you want—"

"No it's fine. Nandiyan naman sila Rehan," sabi ko.

Kumalma ang ekspresyon ni Lolo. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang pisngi. Suot ko na ang aking uniporme para pumasok.

Sumakay ako sa van na naghahatid sa akin sa school pagkatapos magpaalam kay Lola at Lolo. Bumubukas na ang malaking gate nang makita ko ang harap na bahay na may kakapasok lamang.

Tindig pa lang, parang pamilyar. May hawak itong aso at mukhang galing sa jogging kaya umuuwi na.

Namamalikmata lang siguro ako. I can't remember a young man living on that house. Ang alam ko iyong foreigner na malaki ang katawan at sobrang puti. Likod pa lang noon, masasabi kong may edad lalo na't ilang beses ko na siyang nasulyapan.

Ngunit iyong nakita ko, parang hindi taga roon.

Laman iyon ng aking isip hanggang sa ma-distract sa lesson. Kahit noong mag cr ay natulala pa saglit sa cubicle habang iniisip iyon.

"Buntis ako Cate... Anong... anong gagawin ko?" I heard some sobs inside the cubicle.

"Gago talaga 'yang boyfriend mo!" isa sa kausap niya na naroon din sa loob.

Lumunok ako at nagmamadaling lumabas. Pamilyar ang tinig na iyon! Parang kaklase ko at naging seat mate ko sa isang minor subject.

Hindi ako mapakali nang sa sumunod kong mga subject nang matanaw siyang tumabi sa akin. Nakikita ko pa ang mugto sa kanyang mga mata.

"Honey," tawag ko sa babaeng kaklase sa harap.

Kumurap ito at medyo nagulat. I don't really talk. Hindi rin nang-aapproach basta basta kaya ngayong kinalabit, siguro ay hindi niya inaasahan.

Tumayo ako at medyo natataranta pang kinuha ang aking gamit.

"Palit tayo ng upuan," sabi ko.

Honey looked at me curiously. Kahit ang katabi niyang si Roland, napatingala na rin sa akin.

"Sige na... palit na kayo," udyok ni Roland.

Honey stood and picked up her things. Sa gilid ako dumaan para hindi masanggi ang katabi. Kita ko ang kuryosong tingin ng aking seat mate na parang may ibang naiisip.

"Kaya talaga ayaw ko diyan sa kanya. Maarte. Parehas lang sila ni Florisse," I heard one of my classmate.

"Baka crush si Roland..."

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon