Hinawi ko ang buhok para makita niya iyon. She raised her brow and nodded. Inilagay ko ang palad sa aking tiyan at pumikit. Ramdam ko ang init na tumatama sa aking balat dahil na rin sa two piece bikini na suot.

It's Summer. Maraming plano si Florisse na outing. We already told Rehan about it. Pumayag naman at baka next week ay magtatravel na kami.

Tumabi si Florisse at humiga sa kabilang sun lounger.

"I'm still curious why you changed your mind and didn't finish your study in Manila," ani Florisse nang inaabot ang kanyang orange juice.

Kuryoso rin si Mommy lalong lalo na si Dad. Sila ang naghatid sa akin dito. Ilang beses nila akong tinatanong at hindi sila naniniwala sa aking rason, para bang nakukulangan lagi.

"Ang Daddy mo iniisip na may tago kang boyfriend at na-brokenhearted. Maiintindihan namin if you want a new environment for yourself coz you're hurt..." si Mommy na katabi ko.

"Hindi mo talaga sinasabi. Malaman ko lang 'yan..." si Dad na nagbabanta nang tingnan ako sa itaas ng salamin.

"Huh? Wala akong boyfriend. Wala ngang nanligaw, Dad. Tinakot mo pa nga iyong huli kong lalake..."

Binawi agad ni Daddy ang tingin sa salamin at nagpokus sa daan. Humalakhak naman si Mommy.

"Eh kasalanan mo naman pala, Dos!"

I don't want to involve my parents to my own trouble. Mananatili iyong tago. Lalo na't mukhang pili lang din sa Delafuente ang nakakaalam ng nangyari sa amin ni Ken. Baka nga si Hiro lang ang may alam ng lahat.

Si Hiro...

I appreciate his concern but I'm mad at him, too. Hindi pa rin tama iyong pakikipagpustahan niya. Kahit malinis ang intensyon niya sa akin, na gusto lamang akong protektahan, mali pa rin.

That villain! He's willing to dirty his hand in order to protect me! He's willing to ruin his relationship to his cousin once I'm hurt. Oh... that...

Ayoko nalang isipin pa lalo. Isa siya sa mga gusto kong kalimutan. Ngayon na malayo na ako sa Manila, wala nang rason para magkita kami. Hindi ko na siya makakasalubong, matatanaw, o makakausap pa.

But whenever I think about it something feels weird. Kumukunot nalang ang aking noo. He's the least I like. Kaya parang... nakakapagtaka rin kung bakit iniisip ko siya.

"Ako sa front seat!" si Rina nang sumigaw kaya natauhan ako.

Tumayo ako ng tuwid habang pinapanood ang iilan kong pinsan na pumapasok na sa Ford Ranger ni Rehan.

Abala siya sa paglalagay ng mga gamit sa likuran. Kasya naman kaming apat lalo na't wala si Irah. Nanatili sa Manila. May ibang mundo rin kasi iyon. Isa pa, busy rin sa pagmomodelo kaya hindi maiwan iwan ang meron doon.

O sadyang may hindi rin siya maiwan kaya nagpasyang doon na lamang magpatuloy pa. Sanay naman 'yon mag-isa. She won't bore herself. Eh kahit magkasama kami ang dalang lang din naman magsalita.

Distracted ako sa Summer dahil sa aming mga outings. Masaya naman. Kaso napapaisip talaga ako lagi.

Totoo kaya 'yon?

Sa Ateneo ako nag-aaral. Nagshift ako ng kurso. Parang hindi ko na rin kayang i-pursue ang Psych. I lost my connection to it. Ayoko ring... nakakarinig ng topics regarding... pregnancy.

But I'm not even sure if it's true. Parang ang hirap paniwalaan na nakaya niyang, uh ipalaglag? That's her own child. Kung ang rason ay ang galit niya kay Ken, ang galit sa nalaman dahil sa sinabi ko, hindi ko alam kung kaya ko bang lunukin iyon.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon