"Did it cross from left going to right or right going to left?"

Inalala ko agad ang gabing iyon.

"Right going to left. Lalo na't ako ang nakapansin sa itim na pusa."

Kita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Florisse.

"It's a bad omen," aniya.

Kumunot ang aking noo. Inabot niya ang lampshade at pinatay. Bukas pa ang pinto galing sa veranda kaya natatanaw ang liwanag galing sa buwan na pumapasok, nagsisilbing ilaw sa loob kaya hindi ganoon ka dilim kahit patay na ang mga ilaw.

"What do you mean?"

"It means misfortune... or death," si Florisse na naninimbang ang tingin.

Umihip ang malamig na hangin kaya medyo gininaw ako. Gumalaw ang kurtina at sumayaw. Na-distract ako saglit doon habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Florisse.

"May kasabihan na kung may itim na pusang tatawid patungong kaliwa, dapat iwasang masaktan ang pusa o magkaroon ng disgrasya habang umiiwas. It's a curse. Either a misfortune or you know... death."

Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako sa sinasabi niya, maybe because the word death is involved.

"Pero we're safe. Gasgas lang din ang natamo. I mean... nothing bad happened."

Nagkibit si Florisse. "Perhaps future. But I hope not."

"Parang babala?" I laughed.

Tumango si Florisse. "But it's just one of the superstitious beliefs. Mamamatay rin naman tayong lahat."

Natawa na lamang ako at ipinagkibit balikat ang bagay na iyon. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga kasabihan ngunit marami rin kasing paniniwala sa side ng mga pinsan kong pure Chinese.

Umuwi rin naman kami sa Manila pagkatapos ng New Year lalo na't klase na ulit. Babalik din sa Davao sa Chinese New Year kaya excited ulit ako.

Kaso naalala ko iyong sabi ni Ken na magdidinner kami kaya iyon na ang nagpapangiti sa akin.

"Manang Jema..." bati ko nang makababa sa kotse.

"Hija!" Nangingiti niya akong sinalubong.

Yumakap agad ako sa kanya, ganoon din siya. Hinaplos niya ang aking likod at noong humiwalay ay pinisil agad ang aking pisngi.

"Namiss kitang bata ka!"

Ngumiti ako at pinanood ang iilang tauhan na inilalabas na ang aming mga gamit sa likod ng kotse at pinaghahakot papasok. Mommy looked tired. Dad was giving orders.

Tumunog ang aking phone kaya taka ko iyong dinungaw. Nakita ko agad ang unknown number, at kahit pa walang pangalan, alam kong si Hiro 'yon.

Unknown:

Nakauwi na kayo?

Hindi ko iyon pinansin ngunit may sumunod ulit.

Unknown:

I have a gift for you. Idadaan ko diyan tapos uuwi din ako agad.

What? Alam kong ginawa naming tradisyunal ang pagbibigay ng regalo ngunit buong akala ko ay naputol na ito ngayong taon lalo na't noong birthday niya ay hindi na ako nagkainteres pang regaluhan siya.

Hindi ko ulit iyon pinansin kaso nagtext na naman si Hiro. But when I received another text from him, sa huli ay nahanap ko nalang ang sariling naglalakad patungong gate dahil sa kakulitan niya.

Unknown:

I'm outside.

Nilingon ko si Dad na abala pa rin sa mga gamit, si Mommy na humihikab at pinapanood si Daddy, ang mga tauhan na distracted sa ginagawa, at si Manang Jema na nakikisali rin doon. Lumabas ako ng tuluyan.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon