Musika ng Pag-Ibig

4 0 0
                                    

Kakaiba ang huni ng mga ibon sa kagubatan, animo'y isang kanta na nag papagubag loob sa aking kalooban, hindi mawari kung saan ang patutungohan ng isang tinig na minsa'y nagpahilom sa aking isip.

Kakaiba ang haplos ng banayad na musika,
Masarap damhin sa puso. Pahinga ang dulot
Sa pagod ko’ng kaluluwa, ginagamot pati mga
Sugat sa aki’ng damdamin.

Masarap din pagmasadan ang tubig sa karagatan, ngunit parang isang liriko ng kanta ang humahampas sa dalampasigan.
Hindi ako musikero, hindi ako umaawit
Ako’y makata subalit minsan kahit ang mga
Tula ay hindi sapat. Hinahanap rin ng sarili
Ang ligaya na dulot ng musika at awit.

Maupo sa pampang ang siyang hinahangad ng pusong walang mapagsidlan ng nararamdaman.
Nag uumpaw na kalungkutan ang nais ipanod sa pusod ng karagatan.

Masarap magsulat ng tula habang nakikinig
Sa musikang hatid na gumigising sa damdamin.
May naiibang katahimikan,  tila isang paraiso
Na aking sandaling nasisiksikan.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 02, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang