Pasasalamat sa Tunay na Kaibigan

6 1 0
                                    

Part 3: PASASALAMAT SA TUNAY NA KAIBIGAN

Inspired by : Romel Miranda Abuel 
dedicated to: Jennylyn Iraves Salac

Mula simula hanggang sa pagtanda
Nagka anak ako't nagka anak ka
Tayong dalawa hanggang sa katapusan
Tapat na samahan bilang magkaibigan

Sa maikling panahon na ating pinagsamahan,
masasabi kong ika'y isang tunay na kaibigan.
Sa lahat ng oras laging kang nariyan,
at sa lahat ng bagay ay maaasahan.
Kahit minsan parang lahat ako'y tinalikuran,
nagpapasalamat ako'y di mo iniwan.

Balikat mo'y laging handa upang masandalan,
ni minsa'y di napagod na ako'y pakinggan.
Magkasama tayo sa mga kalokohan,
hanggang sa mga kaseryosohan.
Lagi tayong nagtatawanan,
kahit pa sa buhay ay nahihirapan.

Kapag ako ay nangangailangan,
ikaw ay nariyan upang ako'y tulungan.
Napakaganda ng ating samahan,
na sana'y magtagal magpakailanman.
Salamat at ika'y naging kaibigan,
pangakong habang buhay na mananatili sa puso't isipan.

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن