Patuloy na Magtitiwala

4 1 0
                                    

Lord hindi ko alam kung pano sisimulan,
Nahihirapan akong itugma ang buhay sa bawat salita na lumilitaw sa aking isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat taludtod ay nabibigatan katulad ng nararamdaman
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.

Minsan na ako’ng nadapa sa landas na mabato
Nagalusan ang aking mga palad at mga tuhod ay nagdugo
Nahirapan ako’ng bumangon at maglakad nang muli
Ngunit akin pa ri’ng pinilit nang may matapang na ngiti.

Minsan ako’ng lumuha dahil sa matinding pagkabigo
Muntik nang naudyok na tumalikod na lang at sumuko
Subalit nakakita ng dahilan na patuloy na maniwala
Na mas matamis ang tagumpay kung may kasawian muna.

Minsan ako’ng naligaw sa pagkadilim-dilim na kawalan.
Naubos ang tinig sa pagtawag para sa kaligtasan.
Halos masanay na ang aking mga mata sa nakapopoot na dilim
Pero nakahanap pa rin ng pag-asa upang pawiin ang pininimdim.

Marami na rin ako’ng napagdaana’ng pagsubok,
Nakapaglakbay na sa pinakailalim at sa pinakarurok,
Nalasap ang pait at tamis sa masalimuot na biyahe ng buhay.
Ang akala’y nakita ko na ang lahat sa aking paglalakbay.

Ako ay nabigla dahil ako’y lubos na nagkamali
Nang isang araw na namulat na lang nang ikaw ang katabi.
Dahil dito sa buhay ay mas marami pa pala’ng kulay at hiwaga,
Mas marubdob pala ang hatid mo’ng misteryo’t talinhaga.

Hindi ko alam ang plano mo Lord pero patuloy lang akong magtitiwala.

***

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now