SUKLI ( Mother and Daughter story)

4 1 0
                                    

Part 5: " SUKLI "
(True Story Mother and Daughter)

Minsan ~ sa ka gustohan nating makuha ang isang bagay nakakalimutan nating maging mabuti,
Nalilihis natin ang mga matutuwid na paraan dahil sa pagiging makasarili,
Nakakalimutan natin nakakasakit na pala tayo ng damdamin ng ibang tao,
Kahit yung mga magulang sasaktan natin para lang makuha natin ang ating mga gusto.

Ito'y isang kwento mula sa isang tao na nagparealize sakin bilang isang anak, 
Ibabahagi kolang, dahil ako mismo ay napaiyak.

Anak:
~Nag away kami ni kanina ni mama
~tapos napaiyak ko siya
~kasi nasumbatan ko siya
~naramdaman ko yung lungkot at sakit kasi natamaan ako sa sinabi niya. 

Sabi ni mama:

"Malaki kana kasi kaya mo na akong sumbatan, kaya mo na akong labanan.
Noon pag may mga bagay kang gustong makuha, iiyak ka lang sakin o magmamakaawa ~ Para makuha yung gusto mo. 
Ngayon pag may mga bagay na akong hindi kayang maibigay sayo.
Ikaw pa tong magagalit  ~ hindi mo ba alam sobra kanang nakakasakit?.
Natatakot ako anak na baka pag dumating yung araw na may sarili kanang trabaho o mayaman kana,
Bigla ka nalang lumayo at gustong mapag isa.
Baka tuluyan mo na akong iwan at
Bigla mo nalang akong kalimutan.
Don't grow up fast anak please,  miss ko na yung dating ikaw na lagi akong kinikiss, yung makulit lang pero mahal na mahal mo ako, miss ko na ang dating tayo.

Sa lahat ng bagay dito sa mundo
Walang ibang pinaka mahalagang tao kundi ang magulang mo.
Bakit? ~ dahil sila ang nag sakripisyo mula ng isilang ka sa mundo.
Inalagaan , Binihisan , Pinag aral at higit sa lahat ipinaramdam sayo ang buong buo na pagmamahal. 

Ngayong malaki kana karapatan mo na ibalik sa kanila ang pag mamahal at pag aalaga sa kanila gaya kung paano ka nila minahal at inalagaan nong ikaw ay bata.

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now