Pagmamahalan nang Anak at Ama

3 1 0
                                    


Part 2: PAGMAMAHALAN NANG ANAK AT AMA

Inspired By : Romel Miranda Abuel  and Ramkiel Abuel ( Father and Son) 

Simula ng aking pagka bata pa,
Iba ang iyong pagpapahalaga,
Paulit-ulit kong itong nadarama,
Isang pag-aaruga galing sa ama,
Na hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga,

Sa panahon na ako'y nagkakasakit,
Ako'y iyong pinipilit,
Di ba't sinabi mo kailangan kong kumapit,
Manalangin sa Maykapal ng mahigpit,
Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait.

Di mo man sa akin sabihin,
Ito'y aking napapansin,
Di mo man banggitin,
Alam kong ika'y nasasaktan din,
Nahihirapan ka ama ,
Puso mo'y lumuluha,
Kaya't ang tangi kong dalangin,
"Panginoon ako'y inyo na lamang kunin."
Kung kapalit  naman nito'y pasakit at suliranin,
Di ko kayang makita si Papa Romel Abuel na ako'y  nagiging pasanin.

Papa ika'y mahalaga sa akin,
Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin,
Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin,
Ang halik mo sa akin,
Kaysarap damhin!
Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin!

Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin,
Habang buhay kong gugunitain,
Himig ng pagmamahal mo sa munting anghel!
sa anak na ang ngalan ay  Ramkiel Abuel.

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now