Ilaw at Haliging Naglaho

1 0 0
                                    

Ma, Pa sa ganitong paraan ko nalang ba kayo makakasama?
Araw at gabi ko kayong niyayakap at pilit dinadama ang inyong pagkalinga sa pamamagitan ng ginuhit kung larawan.
Sa ganitong paraan naiibsan ang pagpatak ng aking mga luha at gumagaan ang aking nararamdaman.

Walang panahon na hindi ko kayo naaalala,
Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang ating pamilya.
Tila isang sumpa ang binigay sa inyo nong ako'y ibinigay ni bathala
Dahil kasabay ng pagdating ko sa inyong buhay ay siyang pagguho sa sinasabi kong masayang may bahay.

Ma , Pa kamusta na kaya kayo? siguro masaya na kayo sa bago ninyong pamilya.
Tumutulo na naman ang mga luha sa aking mata.
Tila nanumbalik sa akin ang dating mga alaala.

Mga alaala na buo pa tayo at nasa iisang masayang tahanan
Kung pwede lang humiling na sana bumalik kayo sa dating kanlungan
Ginawa ko na noon pa,
pero wala dahil kahit ilang beses ko yun hilingin sa inyo mas ginusto niyo pang bumuo ng bagong pamilya.

Ma,Pa mahal na mahal ko kayong dalawa
Pero ang daya daya ninyo kasi iniwan niyo akong mag isa
Nandito ako isang sulok ng tulay nangangapa dahil wala ng ilaw na siyang gumagabay sa akin,
Nandito ako sa isang pader na sinisilungan dahil wala ng haligi ng tahanan ang mag poprotekta sa akin.

Alam kong masaya na kayo sa kaniya kaniya ninyong tahanan ngunit nais kung mangarap na kunwari na nandito kayo...
kasama ko...

****
Photo not mine crdt to R.O

O

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now