Dear Doary

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Lahat tayo mamatay o mawawalan ng hininga
Nakakatuwa lang pag kweninto mo sa iba
pero yan yung totoo parte nayan ng buhay natin bilang mga tao.

Hindi natin alam kung paano,  saan,  o Kailan  tayo mawawala pwedeng mamaya, bukas, sa isang linggo o biglaan
Lumipas man ang ilang daang taon
Maglalaho parin tayo dahil napakaikli na ng buhay natin ngayon.

Napakabilis na rin ng oras at panahon
hindi natin namamalayan matatapos na pala ang isang taon
kaya nga maganda kung magmahal tayo ng tapat at totoo
magpatawad at matutong magpahalaga sa kapwa tao.

Pahalagahan natin yung mga panahon na nakakasama natin  sila dahil hindi natin alam bigla nalang tayo o sila  mawala
Magpasalamat tayo sa kung anong buhay meron ang bawat isa
pero wag tayo titigil na abutin yung mga pangarap natin
Lumaban,  bumangon hanggang sa ito'y kaya nating abutin.

Sa mundong 'to na minsan hindi na natin maintindihan
Piliin parin natin maging masaya at magpakatao sa kahit sino man
respetohin natin ang bawat isa
Mayaman, mahirap ibigay natin ang respeto sa kanila.

Gawin natin yung mga bagay na magpapasaya sa'tin sa paraang wala tayong nasasaktan na damdamin
Imbis na magsiraan at maghatakan tayo pababa
pwede naman tayo magtulongan at umangat ang bawat isa.

Sama sama nating abutin ang mga pangarap nating lahat, sabay sabay nating iangat ang ating pamagat
Walang maidudulot na maganda ang pagiging makasarili lahat tayo nangangarap na gumanda ang buhay, kaya nararapat lamang na tayo ay maghawak kamay.

Darating ang panahon na kwento nalang tayo sa ibang tao, hindi  na mahalaga yung mga taon na nilagi natin sa mundong 'to
Ang magmamatter nalang ay yung mga taong nilagyan natin ng saya at tuwa sa kanilang mga puso
Yung mga taong natulongan at napasaya natin at yung nga taong napukaw ang kanilang damdamin na pahalagahan ang kanilang sarili upang 'wag baliwalain.

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now