Dadanasin Mo Rin Maging Ina

14 2 0
                                    

Part 1: DADANASIN MO RIN ANG MAGING INA

Isang babae na masaya sa pagka-dalaga,
Pero pinili pa din gumawa ng sariling pamilya,
May asawa man o wala,
Ipapakita nilang kaya nila,

Ang nagdala ng siyam na buwan,
Hirap dahil sa laki ng tiyan,
Ok lang kahit lumubo ang katawan,
Maging malusog lang ang nasa kanyang sinapupunan,

Sabi nila ang isang paa ay nasa hukay,
Pipilitin nya maipakita ang bagong buhay,
Senyales ang iyak na maingay,
Na andyan na ang matagal ng inaantay,

Pinalaki at tinuruan,
Pinag aral at binihisan
Ginawang araw ang gabi para sa mga pangangailangan,
Pag uwe maglilinis pa ng bahay dahil sa kalat na iniwan,

Sumasakit ang ulo sa problema,
Hindi na nga nakatulong sasagutin ka pa,
Hindi man lang nakita na pagod ka na,
Magagalit pa pag hindi nabigay ang gusto nya,

Walang pahinga ang pagiging ina,
Walang sign out, shut down, turn off, log out, nakakapagod isipin no.
Naiisip mo pa lang napapagod ka na
Paano pa kaya pag ikaw na ang naging INA.

Sa panulat ni : Jeian Nirza Putol

BISWAL 2 INSPAYR YOU (POEM COMPILATION)Where stories live. Discover now