CHAPTER 29

27 7 0
                                    

HOPEDEEPLY





Hindi ko na hinintay sumagot si Yaya. Nagmadali na ako bumaba ng hagdan para puntahan si Daddy. Sakto lang dahil papaalis na ang mga pulis. Hinatid na'ng mga maid namin ang mga pulis palabas ng bahay. Kaya nilapitan ko agad si Daddy.

“Dad!” I called him. “Bakit may mga pulis dito?” I directly asked.

As he hesitated to respond to my question, my eyes narrowed.

“Ahh, wala. May tinatanong lang.” he said.

“Baka naman—” he directly cutted me off.

“No. You're coming with us abroad, aren't you? So bakit ko pa 'yun gagawin?” he subtly asked as he reached my hand and gently squeezed it.

I simply nodded in response to what he said. As a relief, I let out a deep sigh.

“By the way, aalis na ba kayo?” he asked again.

“Yes, Dad.” I said as I kissed him on the cheek.

“Sige.” Sabay tingin kay Yaya. “Yaya, ikaw na bahala, 'kay?”

“O-opo, ser.” sagot naman ni Yaya Mina.

Sumakay na kami ng sasakyan patungong eskwelahan. Hinawakan ni Yaya ang kamay ko habang pina-alalahanan ako nang mabuti. Tumango naman ako sa lahat ng sinabi niya. Pagkarating sa eskwelahan ay bumaba na agad kami sa sasakyan at pumasok na sa gate ng eskwelahan.

“Bumalik ka agad, anak, ha! Baka makahalata ang mga bodyguard mo,” she said.

“Saglit lang ako, Ya.” Sabay tango ko sa kanya, at nagpaalam na rin.

Niyakap niya ako saglit bago ako lumabas ng eskwelahan. Para hindi makita ng mga bodyguards ni Daddy ay dumaan ako sa likod ng eskwelahan, kung saan ang pangalawang gate nito. Nakabihis na rin ako ng damit, dahil 'pag naka-uniporme pa ako ay baka iisipin nila na nag-cutting classes ako.

Sumakay ako ng taxi patungo sa bahay nila Dean. Hindi ako mapakali habang nakaupo. Iniisip ko kung paano sasabihin kay Dean ang tungkol sa pag-alis namin. Iisipin ko pa lang hihiwalayan ko siya, sobrang sakit na. Ano pa kayang iiwan ko siya? Parang pinipiraso na ang puso ko non. Nahihirapan man ako gawin 'yun, pero kung para lang sa kapakanan niya, gagawin ko. Magalit man siya sa 'kin habang buhay, wala na akong pakialam doon.

Bumaba agad ako ng taxi pagkatapos kong magbayad. Tutungo na sana ako sa bahay nila nang narinig ko naman ang boses niya.

“Hindi ko magagawa 'yan, Erin.” Dinig kong sabi ni Dean.

Sumilip ako sa kanila habang nakatago rito sa karenderya. Nandoon sila sa may punong mangga kung saan kami palaging nagpapahinga ni Dean noon pagkatapos niya akong turuan sa lessons ko. Diyan kami laging tumatambay habang nakahiga sa isang banig. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin kami pareho sa langit.

Nakita kong may hawak na beer si Dean sa kanyang kamay habang nakatayo siya roon. At magulo rin ang buhok niya ngayon na parang sinadya. Habang si Erin ay pinagmamasdan ang kanyang likod dahil nakatalikod siya rito. 

Kumunot naman ang aking noo, nagtataka sa aking naabutan.

“Dean, hindi mo pa ba makuha-kuha? Ayaw ng mga magulang ni Marga sa 'yo—”

Years of WaitWhere stories live. Discover now