CHAPTER 25

37 7 0
                                    

HOPEDEEPLY







The next day, I woke up early. I instantly checked my phone to see if Dean had sent me a text, but there was nothing. Kaya naligo at nag-ayos na lang ako para makaalis ng bahay. Pupunta ako sa kanila para makatulong doon sa pag-aayos kay Dean. And I'm too excited.

Pababa na ako ng hagdan nang tumunog naman ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa aking bag dahil baka si Dean na ang nagtext, at hindi nga ako nagkakamali.


Dean:

Huwag ka munang pumunta rito. Kami nang bahala ni Mama sa pag-aayos.


Kumunot ang noo ko. Nagtaka ako kung bakit. Akala ko ba magpapatulong sila sa 'kin? Nireplyan ko agad siya.


Ako:

Bakit? Pupunta na lang ako diyan kahit hindi na tutulong.

Dean:

Hindi na. May lakad kami ni Mama ngayon.


Mas lalong kumunot ang noo ko, at humaba na rin ang aking nguso.


Ako:

Saan naman kayo pupunta ni Tita?


Nakatitig lang ako sa aking cellphone habang hinihintay siya magreply. Kaso umabot pa ng tatlong minuto hindi pa siya naka-reply kaya naisipan kong tawagan siya.

“Marga!”

Agad kong binaba ang aking cellphone nang nabigla ako sa pagtawag ni Daddy sa akin. Nasa baba siya ng hagdan ngayon. Nakatingala habang masusing tinitingnan ako rito.

Pilit akong ngumiti sa kanya habang bumababa ng hagdan. Nang makalapit sa kanya ay agad ko siyang niyakap.

“Good morning, Dad!” bati ko sabay hiwalay ng yakap sa kanya.

Maririin niya akong tinitingnan mula ulo hanggang paa. Na para bang may mali sa suot ko ngayon.

“Good morning din. Where are you going?” kalmadong tanong niya sa akin.

“Sa classmate ko sana, Dad,” I said and then swallowed hard.

His eyes narrowed at me. He didn't seem to believe what I said. I took a deep breath.

“Kaso hindi naman natuloy kasi may lakad raw sila ng Mama niya ngayon,” I added.

“So… wala kanang lakad ngayon?” tanong niya sa akin.

Agad naman akong umiling kay Daddy.

“Mabuti naman kung ganoon… pwede ko ba makasama ang anak ko  sa pamamasyal ngayon?” sabi niya.

My eyes widened in shock at what he said. Umusbong ang excitement sa aking puso ngayon. Mabilis akong tumango kay Daddy, habang malaki na ang ngiti sa aking labi.

Umakyat na muna siya sa itaas para makapag bihis. Aniya'y pupunta kami sa mall para bumili ng kahit anong gusto. Siya na raw ang bahala.

Ayun nga, kumain muna kami sa isang sikat na restaurant bago kami pumunta sa mall para mag-shopping. Hinayaan niya ako bilhin ang kahit na anong gusto ko. Kaya hindi mawawala ang ngiti ko habang pumipili ng damit.

Nakasunod lang sa akin si Daddy habang dala niya ang mga paper bags na may tatak na brand ng mga sapatos, damit, at opkors make-ups. Hindi ko alam kung bakit walang imik si Daddy habang nakasunod sa akin.

Years of WaitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin