CHAPTER 8

59 9 5
                                    

HOPEDEEPLY



Wala ako sa sarili habang nakikinig sa lecture namin. Wala na akong maintindihan sa discussion ng guro dahil nasa isip ko kasi kung paano ibibigay o sasabihin kay Dean ang tungkol sa sobre. At paano ko rin siya iiwasan pagkatapos nito.

Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gusto kong iwasan si Dean pero labag naman sa kalooban ko. May relasyon man o wala sila Dean at Erin, kailangan ko pa rin iwasan siya para sa sarili ko… para sa aming dalawa… para hindi na kami magkasakitan pa.

“Mare, okay ka lang ba?” tanong ni Sheena sa 'kin nang mapansin ang pagkatahimik ko.

Uwian na. Kalalabas lang namin sa classroom. Naglakad na kami papuntang gate. Bumuntong-hininga ako.

“Hihintayin ko sa gate si Dean,” wala sa sarili kong tugon.

Natigilan siya sa kanyang paglalakad. “Ha? Sure ka ba?” nag-aalala na tanong niya tsaka hinabol ako sa paglalakad.

“Uy, Marga? Akala—” I cutted her off.

“Huli na 'to, Sheena. May ibibigay lang ako sa kanya,” sabi ko ng buong-buo, ngunit ang totoo'y hindi ko pa talaga alam ang gagawin.

“Okay. Good luck...”

Sinamahan niya pa ako maghintay sa gate habang hinihintay rin niya ang kanyang kapatid. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang kapatid niya kaya nagpaalam na rin silang dalawa sa akin. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago sila umalis ng kanyang kapatid.

Naghintay pa ako ng kalahating oras bago ko nakita si Dean naglakad papunta na sa 'kin. His almond eyes seriously drifted at me, while a dark aura surrounded him, daunting. 

Ngumiti ako sa kanya ngunit nawala rin agad dahil kumapit sa kanyang braso si Erin kaya napatingin siya rito. Automatically, my brows furrowed as my heart ached. Malaki ang ngiti ng dalaga kay Dean at gano'n din siya rito, habang naglalakad papunta sa 'kin ay nag-usap pa silang dalawa. Bumaling muli ang mga mata ni Dean sa 'kin, dahilan na nilihis ko agad ang aking mata para hindi niya makita ang reaksyon ko.

Nag-init agad ang aking mata kaya kukurap-kurap ako habang nakatingala sa langit para pigilan ang luhang nagbabadya na bumuhos. Pumikit ako at huminga ng malalim para maibsan ang bigat sa aking dibdib. Bakit ang hirap pigilan ang ganitong pakiramdam?

“Marga!”

I opened my eyes and looked at them. Nakangiting naglalakad si Erin habang si Dean ay nanatiling seryoso lang. Erin waved her hand at me, so I smiled at her sparingly. Nang makalapit na sila ay agad naman na yumakap sa 'kin si Erin. 

Nagulat naman ako sa ginawa nito habang ang mga mata ko ay nakatingin lang kay Dean, na bahagya rin nagulat sa ginawa ni Erin.

“Uwi na kayo?” tanong nito pagkatapos niya akong yakapin.

Hindi ako sumagot. Binalingan ko lang si Dean. Marahan itong tumango sa tanong ni Erin.

“Yes. Na-miss na siya ni Mama. Matagal-tagal na rin kasi hindi siya nakapunta sa bahay.” Dean subtly said.

Tumalikod si Erin kay Dean at humarap sa 'kin nakanguso na ang labi niya.

“Buti kapa close kana sa mama niya. Inggit talaga ako.” mahina na sabi niya sa 'kin.

I smiled a bit at her, at tingnan si Dean na hawak na ang kanyang motor. Sumakay na siya at agad na minaniobra ang kanyang motor. Tumingin siya sa 'kin gamit ang kanyang malalim at seryoso na mga mata, hinihintay akong lumapit at sumakay sa motor niya.

Years of WaitWhere stories live. Discover now