CHAPTER 41

42 5 0
                                    

HOPEDEEPLY






After the three-hour drive, the Ferrari stopped in front of the wrought iron gate. I can see the plants that are placed outside the house. Nakita ko rin ang dalawang sasakyan nila sa garahe.

Inangat ko ang aking tingin sa two storey house nila. Pinaghalong itim at asul ang kulay ng bahay. Malaki ang bahay, kasing laki nung kay Kuya Lucas. Ngunit, kung ikukumpara mo ang mga bahay nila, di hamak na mas maganda ito.

Binuksan agad ng guwardiya ang gate kaya tumuloy na kami sa loob. Sabay kami ni Dean na lumabas ng sasakyan. Paglingon ko pa lang sa may pintuan ng bahay ay nakita ko agad si Tita Karen na nagkukumahog palabas. Unting-unti nag-init ang gilid ng mga mata ko, at halos kagatin ko na ang aking labi para lang tumigil ang luha ko sa pagtulo. 

Nung huling kita namin ay nasa Ospital siya. Sobra-sobra ang galit ko sa aking ama nung nalaman ko ang totoong nangyari. Hindi ko matanggap ang ginawa ng aking ama sa kanila, at sinisisi ko pa ang sarili ko dahil doon. Hindi ako makapaniwala na nagkita kami ulit ngayon. Sobra ang kagalakan ng aking puso when she approached me with open arms. Ngumiti ako kahit gusto nang tumulo ng aking mga luha. Sinalubong ko rin siya ng yakap.

“Marga! Anak!” si Tita Karen sa akin. 

She hugged me back, tightly. I could feel how she gently caressed my hair at the back. Napapikit naman ako habang ginagawa niya iyon. I felt I'm longing my own mother.

“Mabuti naman bumalik ka na…” banayad na sabi niya saka humiwalay ng yakap sa akin.

“Hindi mo ba na-miss ang mga luto ko?” tanong niya na parang nagtatampo.

Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanyang tanong.

“Tita, hindi lang ang mga luto mo ang na-miss ko, ikaw rin po…”

“Hmmm… na-miss din kita, anak.” Sabay halik niya sa aking noo.

Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa halik niya. Parang hindi ako ang anak ng taong nagkasala sa kanila noon… parang walang nangyari dati, dahil hindi nagbago ang trato niya sa akin.

“Ma! Hindi mo ba kami papasukin muna sa loob?” singit ni Dean na nasa aking likuran. Kanina pa siya nanonood sa amin ni Tita Karen.

“Oh! Tara na sa loob. Nakahanda na ang mga pagkain...”

At gaya nga nang sinabi ni Tita Karen. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Hawak ni Tita Karen ang braso ko habang naglalakad kami papasok sa bahay nila. Si Dean nama'y nakasunod lang sa amin. Diretso na kami sa living area. Habang naglalakad papasok sa loob ay nilibot ko naman ang aking tingin sa buong bahay. Malawak at malinis tignan ang sala nila. Maliban sa mga upuan at appliances na nandito, ay may mga halaman din sa bawat sulok nito.

“Balita ko gum-raduate ka raw ng Architect?”

Napatingin naman ako kay Tita Karen nang banggitin niya iyon. Sigurado akong si Dean ang nagsabi sa kaniya non. Tumango naman ako saka ngumiti sa kanya.

“Opo, tita.” Sabay tingin kay Dean na umupo sa kanilang couch.

“Naku! Sigurado akong ang gaganda ng mga gawa mo!”

Imbes na magsalita ay ngumiti na lamang ako kay Tita Karen. Nahihiya ako dahil wala pa naman akong nasimulan, hanggang sketch pa lang ako.

“Let me see your design, Marga,” Dean said suddenly. So I looked at him.

I frowned as I walked towards him. “Why?” I asked.

“I want to see it…”

Natigilan naman ako at nag isip-isip. Bakit niya naman gustong makita ang design ko? E, ayoko ko nga ipakita kay Daddy iyon, sa kanya pa kaya?

Years of WaitUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum