CHAPTER 21

39 8 7
                                    

HOPEDEEPLY






Nanatili kami nang kalahating oras doon bago niya ako ihatid sa bahay namin. Sinulit namin ang oras na magkayakap lang kaming dalawa. Hindi nag-uusap habang tinatanaw ang magandang tanawin sa paligid.

Silent but sweet. Simple but filled of memories.

Tumigil na ang kanyang motor sa tapat ng gate namin. Alas kwatro na ng magpasiya kaming umuwi. Habang nasa byahe kami ay nakita ko kung paanong naghahalo ang kulay itim na ulap at kahel sa langit. Mukang uulan pa yata, mabuti na lang umuwi agad kami.

Bumaba agad ako sa kanyang motor saka hinubad ang helmet na suot ko. Kinuha ko naman ang aking bag at libro sa kanya nang iabot niya sa akin ang mga ito. Naghubad naman siya ng kanyang helmet.

“Magkita na lang tayo bukas.” sabi niya.

“Okay.” sabi ko naman.

He nodded before maneuvering his motor to leave, but I immediately stopped him.

“Dean.” tawag ko sa kanya.

Tumigil naman siya at nilingon ako. I smiled him, sweetly. Matagal ko na'ng gustong gawin ito. Hindi ko lang magawa dahil akala ko wala siyang gusto sa akin… akala ko kapatid lang ang turing niya sa 'kin. Ngayon, may karapatan na akong gawin lahat sa kanya.

Lumaki ang ngiti ko sa aking labi dahil sa mga naiisip. May karapatan ka na gawin ang lahat, Marga. Girlfriend ka na niya!

I tiptoed so I could level on him. I quickly kissed him on the lips. I felt the stiffness of his body because of what I did. I smiled a bit as I kissed him. Matagal ko na gustong gawin iyon. Pero hindi ko lang magawa noon.

Nang humiwalay ako sa kanya nang kaonti ay nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya, gulat na gulat pa sa aking nagawa.

“Happy Valentine's Day. Ingat ka sa pag-uwi mo.” sabi ko habang gulat na gulat pa rin siya sa nagawa ko.

Tumalikod na ako sa kanya habang wala pa siyang masabi sa akin. Pumasok na ako sa gate namin at tiningnan siya mula sa loob. Nakita kong sinuot niya na ang kanyang helmet bago umalis.

Napangiti ako dahil sa aking nagawa. At hindi ako makapaniwala na nagagawa kona 'yon ngayon. Gaya ng hirap pa rin ako makapaniwala na boyfriend kona siya.

Habang iniisip ko pa ang reaksyon ni Dean kanina at natigilan ako nang pagkaharap ko sa aming bahay, ay nakita ko agad si Daddy palabas ng bahay. Naglakad siya palapit sa akin habang nakatingin sa likod ko.

“Dad!” bati ko nang makabawi sa naging reaksyon ko.

“Ija, you're home. Sino 'yong naghatid sa 'yo? Bakit ka nagmomotor? May sasakyan naman tayo.”

Napakagat ako ng labi dahil sa mga tanong ni Daddy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“Dad. I'm safe naman. At ayaw ko rin abalahin pa si Manong Edgar.” I said, trying to be sweet even if I'm nervous.

“But that's his job, ija.” giit ni Daddy. “Next time, huwag kanang aangkas sa motor, okay?” dagdag pa niya.

Tatango pa sana ako nang lumabas si Mommy sa pinto, lumapit siya sa amin dalawa ni Daddy.

“Why are you still doing here? The dinner is ready.”

Hinarap namin siya ni Daddy.

“Oh. Sinundo ko lang ang prinsesa natin.” sagot ni Daddy kay Mommy bago ako tiningnan ulit.

Years of WaitWhere stories live. Discover now