CHAPTER 17

40 8 5
                                    

HOPEDEEPLY




Nahihiya kong sinagot ang mga tanong niya kanina dahilan kung bakit bumuhakhak siya ng tawa ngayon. Ngumuso ako sa kanya, habang umiiwas nang tingin dahil sa kahihiyan na nangyari.

“Bakit? Totoo naman! Nakatitig ka lang sa 'kin no'n kaya walang pumapasok sa isip mo.” pang-aasar niya.

“Oh, bakit hindi moko sinuway?” nakanguso kong tanong sa kanya.

“Dahil gusto kong malaman kung gaano ka ka-patay na patay sa 'kin.”

“Yabang!” sabi ko kaagad na ikinabuhakhak niya ulit ng tawa, tsaka pinaandar ang motor.

Naalala ko nung habang ini-explain niya ang formula ng equation ay sa kanya lang ako nakatitig, wala sa papel. Naalala ko rin na habang nagsasalita siya ay may multong ngiti akong nakita sa kanya labi. Ngunit binalewala ko lang 'yon, dahil akala ko namalikmata lang ako, hindi pala. At hindi ko rin alam na nagmamasid na pala siya sa 'kin.

Yumakap ako nang mahigpit sa kanya habang siya ay matulin na nagdadrive. Madilim na ang buong paligid pero nagpasya pa rin kami kumain sa labas bago umuwi. Pumunta kami sa mga nagbibenta ng street foods.

Huminto siya at agad ni park ang kanyang motor. Humiwalay na 'ko ng yakap sa kanya at kaagad bumaba sa motor. Bumaba na rin siya at hinubad ang kanyang helmet. Lumapit din siya sa 'kin para tulongan ako maghubad ng helmet dahil mukang naka-lock ito ng maayos kaya nahihirapan akong tanggalin ito. Ngumiti ako sa kanya nang iangat niya ang helmet ko.

“Thank you,” I subtly said.

Inayos ko naman agad ang magulo kong buhok. Habang siya naman ay isinabit ang helmet sa manibela ng motor. Pagkatapos ay humarap na siya sa 'kin, hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila sa may nagtitinda ng street foods.

Pumunta kami sa dulo ng mga nagtitinda, doon sa dati naming suki noon. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tumitingin sa mga tinitinda o iniihaw nila, tulad ng isaw, adidas, dugo ng manok, ulo ng manok, taba ng baboy, at paa ng manok, at may fried chicken pa. Hmmm… at amoy pa lang ng mga inihaw nila, nakakagutom na, pero syempre, pinigilan ko pa rin dahil gusto namin doon sa pinakamasarap na gumawa ng sauce, doon sa suki namin. 

Nilibot ko ang aking paningin. Puno ng usok ang buong paligid, dahil siguro dumadami na ang nagtitinda dito. Marami na ring ilaw sa buong paligid at medyo matao na rin ngayon. 

Wow! Halos tatlong taon akong hindi nakabalik dito, ang laki na'ng pinagbago ng lugar. Kung noo'y mabato ang daanan, ngayon, nakasemento na. Ang mga nagtitinda dito ay nasa tamang pwesto na rin, hindi na makalat o magulo tingnan. May mga upuan at lamesa na rin para sa mga gustong kumain dito.

I looked at him. His eyes roaming around the place like he's searching something. My forehead creased, and my eyes narrowed on him when he looked at me.

“May hinahanap ka ba?” tanong ko, dahil parang may hinahanap siya, e.

“Ahmm—” habang lumilingon-lingon sa paligid.

“Marga? Dean? Kayo ba 'yan?” Napalingon kami sa tumawag sa amin. Si Aling Nora.

Napangiti ako. Lumapit kami ni Dean sa pwesto nila. Nauna lang ako ng konti kay Dean sa paglalakad kaya parang nahihila ko siya dahil magkahawak pa rin ang kamay namin.

“Magandang gabi po, Aling Nora!” sabay naming sabi ni Dean. Nagkatinginan kami saglit.

“Ay, kayo nga iyan! Ang tagal niyo na hindi nakabalik dito, a! Lumipat ba kayo ng eskwelahan?” tanong ni Aling Nora sa amin habang nagpapaypay ng kanyang paninda.

Years of WaitWhere stories live. Discover now