CHAPTER 23

38 7 0
                                    

HOPEDEEPLY






“Ano'ng ibig sabihin nung nakita ko, Tristan Deanelle?!”galit na tanong ni tita Karen sa kanyang anak.

Nasa sala kami ngayon. Nasa harapan ko ang dalawa na nag-uusap. Pagkatapos nung nakita kami ni Tita ay agad niya akong inilayo sa kanyang anak. Galit na galit ang kanyang mga mata habang tiningnan ang kanyang anak, saka niya sinabing bumaba kami dito sa sala. 

I sat on their couch while they conversed in front of me. I'm nervous since this is the first time I've seen Tita become upset. I was just crouched while listening to them.

“Ma, calm down—”

“Paano ako maging kalmado, ha? Dean? Kung nakita ko kayong dalawa sa loob ng kwarto na muntik na maghalikan!” sigaw ni Tita sa kanyang anak.

Napapikit na lamang ako ng mariin nang sinabi iyon kay Tita.

“Kung hindi ako bumalik. Ano'ng mangyayari, ha?”

“Ma! Walang mangyayari. Alam po namin ang ginagawa namin.” malumanay na sabi ni Dean ngunit nahimigan ko frustration sa tono ng boses niya.

“Ang bata n'yo pa! Ang bata pa ni Marga, Dean. Pa'no kung—”

“Ma. Alam ko po.” kalmadong sabi ni Dean.

Natahimik ang dalawa. Habang ako dito ay nilalaro ang aking mga daliri dahil sa kaba at kahihiyan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Tita kung sakaling kausapin niya ako tungkol sa relasyon namin ni Dean. Nahihiya ako magkwento sa kanya dahil ako lang naman ang unang umamin kay Dean.

“Pa'no ang mga magulang ni Marga, Dean?”

When I heard Aunt Karen's query, I raised my eyes to them. 

Dean had already locked his gaze on me.

“Magpapaalam naman talaga ako, Ma…” he trailed off. “Pero kailangan ko munang maghanda… lalo na si Marga.”

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kumirot ang bahagi ng aking puso kahit nanginginit ito dahil sa sinabi ni Dean. Hindi ko maiwasang alalahanin ang sinabi nina Mommy at Daddy kagabi sa akin. 'Pag nalaman nilang hindi ko pa hinihiwalayan si Dean, mas lalo silang magagalit.

Gusto ko sanang itago kay Dean ang nangyari sa akin kahapon para hindi na siya mag-alala pa sa akin. Pero napag-isip-isip ko na kailangan pala niya malaman iyon, para makapaghanda naman kami. 'Tsaka ayoko na rin maraming tinatago sa kanya.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo ni tita Karen sa akin. Naging mas maalaga pa siya sa akin kaysa sa sarili niyang anak… o mas anak niya ako kung ituring kaysa kay Dean.

Kaya nung nagpaalam kami para mamasyal ay maraming bilin si tita Karen sa kanyang anak.

“Dean, ingatan mo 'to si Marga. Lagot ka sa akin kapag hindi mo siya naiuwi ng buo.” Tita Karen issued a warning to her son.

Napapakamot na lamang sa batok si Dean pagkatapos sabihin iyon sa kanya ni tita Karen.

“Si Mama talaga, parang hindi niya ako anak.” nakasimangot niyang sabi sa akin.

“Sabi ko naman sa 'yo, e, mas mahal talaga ako ng mama mo.” biro ko sa kanya.

Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Pero ngumisi rin siya kalaunan.

“Mas mahal kita…” sabi niya at kumindat pa.

Nagpunta kami sa lagi namin tinatambayan. Sa tabing dagat, pagkatapos namin bumili ng inihaw kina Aling Nora ay dumeretso agad kami rito. Para may kakainin kami habang hinihintay ang papalubog na araw.

Years of WaitWhere stories live. Discover now