"You've been sleeping for almost 24 hours. Kaya siguradong gutom ka na. Anong gusto mo?" pagkausap ni Denniva sa tulalang si Tamara. 

"Anak, nagpaluto kami ng mga paborito mo. Kailangan mong kumain para makainom ka na ng gamot mo." saad ni Winston sa anak. Lumapit ito sa anak at hahawakan sana ito sa braso ngunit agad na iniiwas ni Tamara ang sarili sa ama. Doon ay nakuha ni Jenniva ang nais ng pinsan nya. 

"Ah Tito, kami na pong bahala kay Tamara." sa sinabing iyon ni Jenniva ay tumango na lamang ito at kasamang umalis si Don Felixtacio. 

Nang makaalis si Winston at Don Felixtacio ay agad na bumuhos ang luha ni Tamara. Agad naman syang dinaluhan ng kambal. Pilit syang pinapatahan ng mga ito. Tanging pagluha lamang ang nagawa ni Tamara sa gabing iyon at ipinagpapasalamat nyang nasa tabi nya ang dalawang pinsan. 

Kinabukasan ay kinailangan ng dalawa na pumasok sa university. Ayaw sana ng mga ito ngunit hindi pumayag si Tamara, kaya naman naiwan mag-isa sa ospital si Tamara. Ayaw din kasi nyang makita ang Lolo at Daddy nya dahil alam nya na alam nila ang kung anong mayroon kina Mellisa at Zach. 

Akala nya ay wala na syang mailuluha dahil sa mga nailuha nya kagabi ngunit sa tuwing naaalala nya ang nakita nya ay kusa na lamang itong pumapatak at parang niyuyurakan ang puso nya. 

Nasa gitna sya ng pagluha nang may bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isng taong hindi nya inaasahan. 

"I heard you've been crying all night and you're still crying?" 

Agad na tinuyo ni Tamara ang luha nya dahil sa sinabi ng Lola nya. Ito ang asawa ni Don Felixtacio, si Donya Esmeralda. Iilang beses pa lang nya ito nakikita dahil hindi nito gusto ang Mommy nya para sa anak nitong si Winston na Daddy niya. 

"Lola" tanging salita na lumabas sa bibig ni Tamara. May halo pa din ng pagtataka kung bakit naman dito ang lola nya. Ilang minutong tahimik sa loob ng kwarto nang basagin ito ng ni Donya Esmeralda. 

"May dala akong mga prutas, anong gusto mo. Nang maibigay sayo ni Bianca." turo nito sa babaeng kasama nito na sa tingin nya ay mas matanda lamang sa kanya ng ilang taon. 

Umiling lang sya at sinabing busog pa sya. Hindi na muli umimik ang Lola nya ganon din ang babaeng kasama nito na si Bianca. Ganon lang lumipas ang oras at dumating na ang tanghali kung saan sinilip sya ng kambal. Maging ang kambal ay nagulat ng makita ang Lola nila doon. Unlike sa Mommy nya, gusto ng Lola nya ang Tita Selena nya na nanay ng kambal. 

Lumipas ang buong isang araw at dumating na ang gabi kung saan nadoon na ulit ang Daddy, Lolo ni Tamara pati na rin ang kambal. 

"Ma, anong ginagawa nyo dito." tanong ni Winston sa ina. 

"Masama bang bisitahin ang apo ko?" mataray na saad ni Donya Esmeralda. 

Napatahimik na lang si Winston sa sagot ng ina. May pagtataka man sa sariling ina si Winston ay hindi na muli pa itong nagtanong.

 

Kinabukasan ay maagang nadischarge si Tamara sa hospital kaya naman maaga silang nakauwi sa bahay. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Tamara ng makita nya si Mellisa na nag-iintay sa kanila sa salas ng bahay. Nilampasan nya lamang ito at nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto nya. Kasama nya sa pag-akyat si Bianca na napag-alam nyang private nurse ng Lola nya. 

Walang ginawa si Tamara kundi ang magpahinga lamang sa kwarto nya at dinadalhan na lamang sya ng pagkain dahil ayaw niyang harapin si Mellisa. Ilang araw din syang hindi nakapasok dahil sa kalagayan nya. Lumipas ang ilang araw at saka naging maayos na din ang kamay nya na nagkaroon ng bali dahil sa aksidente.

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now