Pero hindi talaga mabubura 'yung katotohanan na ako dapat iyon. Ako 'yung nakaranas dahil ako 'yung totoong guilty.


***

Another week struck, and on such a rare occasion, I was with Dad and Xian. We walked together out of our office building, then got into our SUV. Nasa harapan si Daddy at 'yung family driver namin. Nasa backseat naman kami ni Xian.

"We're heading to Ermita site."

Nag-angat ako ng tingin.

"Biglaan naman ata, Dad?" Mabuti ay natanong ni Xian.

"Mr. Ong, one of our shareholders, suddenly wants to see the project. Our presence is, of course, needed. Mr. Ventura will give us an update, too."

Isang linggo na rin pala kaming hindi dumaan doon. Going there is really inevitable. Lalo ngayon na nasa iisa kaming sasakyan kaya kahit iniiwasan ko, mapipilitan talaga akong sumama.

Men just exchanged pleasantries when we arrived. Suot ang aming hard hats, sabay-sabay na naming tinahak ang daan habang sila ay nag-uusap. Nakasunod lang kami ni Xian.

I excused myself when I got a call from our store. Nagkaroon ng problema sa manufacturer kaya natagalan ako makipag-usap.

Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Nawala na sila. Isa pa sa napansin ko, Cyron isn't around. Sana wala talaga siya ngayon dito.

I know Cyron is furious at me. Subalit hindi ako ilag sa kaniya dahil sa takot na baka bigla niya akong hagisan ng hollow blocks.

Absurd.

He's not that violent. Hindi rin iyon ang rason ko. I just couldn't take his bloodshot eyes piercing through my entire body. Mas bubulagta pa ata ako once na tignan niya ako nang gano'n katagal.

"Nasa loob po ata sila ng gusali, Miss Cojuangco. Second floor nang huling kita ko," sagot ng napagtanungan kong trabahante.

"Salamat." Umakyat ako sa pangalawang palapag at binaybay ang pahabang daanan.

I was looking for my father and the rest of the men, but I found Cyron instead.

He was scanning this area with scrutiny, both of his hands were on his upper hips. May diskusyon siya kasama ang ilang trabahante habang sinisipat mabuti ang bawat parte ng gusali sa palapag na 'to.

Nilagpasan ko sila at dumungaw sa ibaba, there I saw the gentlemen. Kalalabas lang nila sa building, so basically, nagkasalisi kami ng daan.

Umatras na ako at saktong paglingon ko, nakatingin sa'kin 'yung mga trabahante. Pati si Cyron. Magkasalubong pa ang mga kilay niya nang sulyapan ako.

He signaled the men to leave us alone. Humigpit ang kapit ko sa hawak na handbag. I anticipated this moment. Kakausapin niya ako, that's for sure. May pakay din ako sa kaniya, so maybe I'd take this chance to do it.

"Hindi ka sumipot," he coldly said.

"I was busy."

"I waited..." mariin niyang sambit. He cast a woeful stare at me.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko na kasalanan 'yan."

"Iba ang pinapunta mo."

"Yes. What do you think of her?"

He didn't respond. Tahimik siyang nakatitig na tila pinag-aaralan ako. I tried to hide my emotions.

Pinilig ko ang leeg ko at sa labas ng gusali tumingin.

"I wonder why you are still chasing me. It's been five years. Hindi na dapat binabalikan at pinagpapatuloy ang nakaraan." Ngumiti ako ngunit hindi man lang umabot sa aking mga mata. "Haven't you tried courting another woman? I doubt if they rejected you. If not yet, hindi ka naman mahihirapan makahanap ng ibang babae. Maraming magkakagusto sa'yo."

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now