Shin

58 1 0
                                    

Halos kalahating taon palang noong umalis si Kris—leader ng EXO M, sa EXO.



Marami ang nagalit, naghinagpis, at nalungkot, naiyak na fans dahil sa pag-alis nito ng walang pasabi sa grupo at sa mga nagmamahal na fans nila.



Pero 'di lingid sa mga tao na mas naapektuhan ang ibang membro ng grupo dahil itinuring na nilang kapatid ang isa't isa. At ang makitang may umalis sa kanila ay parang napakahirap tanggapin.



Dahil pa nga roon, nagalit ang mga tao kay Kris. Bakit daw basta nalang itong nang-iwan sa ere. Bakit kailangan pa niyang tumiwalag sa kasagsagan ng world tour nila noon.



That's it.



Ang kaya lang ng tao ay i-judge kung anong ginawa niya not finding what is behind of it. Kung ano ano nalang ang ibinabatong masasakit na salita pero hindi naman nila kung ano ang tunay na dahilan ni Kris sa pag-alis sa grupo.



That's what he's decision kaya sana respetuhin ng mga fans kaso nga lang you cannot please everybody. Meron at meron parin silang masasabi o kaya naman ay opinyon sa bawat sasabihin at gagawin ng kanilang iniidolo.



At ngayon, ayokong maulit ulit ang pinagdaanan ng grupo at fans nila. Ayokong maging dahilan sana na may isa na namang bumitaw sa kanila. Ayoko talaga. Pero anong magagawa ko. I'm selfish. And sorry for that.



I know that Luhan wanted to terminate his contract with their company.



Simula kasi noong sumuko na ako sa relasyon namin at nagpatulong ako sa mga kaibigan ko upang makapunta sa ibang bansa and to stay there for good ay pinilit na niyang sundan ako. But, the company doesn't want him to let go. Bawal rin siyang magsalita tungkol sa isyu naming dalawa.



Kaso nga lang, sabi ko nga I'm selfish. Umalis ako para sundan ako ni Luhan. Umalis ako upang matauhan siyang nahihirapan na ako at nasasaktan na ako sa bawat mga salitang binabato sakin ng mga haters ko at wala siyang ginagawa. Yes, may haters ako, biglang sikat eh. Umalis rin ako upang iparating sa kanyang hindi ko na kaya pang makigulo sa mundong ginagalawan nila. Hindi ko na kaya pang tiisin ang bawat pagtapak ng tao sa katauhan ko.



At higit sa lahat, kinakain na kasi ako ng insecrurities ko. At alam kong hindi na maganda iyon sa sarili ko.



Kaya sana maintindihan mo ako Cupid.



I'm selfish but I love him so much. At hindi ko kayang nawala siya sa piling ko. At para makamit ko iyon...



Luhan needs to leave EXO.

Dear CupidWhere stories live. Discover now