Sulat #19

63 1 0
                                    

Dear Cupid,


Paglabas ko nakita kong naghihintay si Luhan. Opps. Muntik ko ng makalimutang nag-eexist pa pala siya. Ang bad ko>,<.


"Oh? Problema natin? At bakit nakatambay ka sa bakuran ng bahay ko?"


Napakamot naman siya ng ulo. Asuuus, ganyan yan kapag kinakabahan. Pero teka, Bakit siya kakabahan sakin? Bakit Cupid?


"Uh, I-ihahatid ko s-sana kita sa Hayward Company." nauutal nitong sabi. At kelan pa tinamaan ng hiya si Luhan, aber?


"Ha? Seryoso? Hindi ka nilalagnat? Baka naman nabinat ka, tara ipupunta na kita sa mental- I mean hospital para ma-check up ka." Natatawang wika ko. Nilagay ko naman sa noo niya iyong likod ng kamay ko para icheck siya kung may sakit pero hindi naman siya nilalagnat. "Hindi kaya kapag nakita tayo ng fans mo pagkaguluhan ka nila. Tsaka ano... ma...ma-chismis pa akong g-girlfriend...naku ayoko noon. Ayokong madamay sa mundo niyo. Sakit lang sa ulo."


"No need. Wala akong sakit. Gusto ko lang talagang ihatid ang bestfriend ko. Makabawi man lang. Bestfriend lang ha? Wag feeler. Haha. Joke lang" Tapos tumawa ito. " At safe ka sakin. Hindi ako magpapahuli sa media. Ako pa. Higit sa lahat hindi kita ipapahamak at ayoko ring madawit ka sa pangalan ko. Alam ko namang magulo sa mundong ginagalawan ko." Ngumiti ito.


Bestfriend. Bakit habang sinasabi niya ang mga salitang iyon parang sumakit ulit 'yong puso ko? Hala, may sakit na ba ako sa puso? Baka naman meron talaga? Kailangan ko na talagang mag pacheck-up. Ako ata ang dapat pumunta sa hospital.


"Naku, hindi kita tatanggihan no? Oh siya, gora na tayo. Sunduin mo rin ako pauwi a, hindi ko dadalhin 'yong kotse ko."


"Okay." Tapos pinagbukasan niya ako ng pinto ng kotse niya. Rich kid talaga ang loko. Pero kahit ganoon man simple lang talaga siyang mamuhay. Iyong tipong hindi mo aakalain na isa siyang sikat na sikat na artist. Sabi ko nga na kasama siya sa grupong EXO. Sikat na sikat sila ngayon. Ano ba yan paulit ulit na ako. Kaya hindi ko talaga magets kong bakit andito tong ugok na 'to. Hindi ba sila busy? naku,..naku.. Minsan naisip ko nga kung bakit pa niya ako pinagtutuunan ng pansin. Bestfriend lang naman ako at tsaka marami naman na siguro siyang kaibigan.


Darating kaya iyong time na magsasawa siya sakin? Wag naman sana. Mamimiss ko siya ng sobra pag nagkataon. Ay feeling girlfriend te? May pa miss miss ka pang nalalaman?


Hay. May kontrabida talaga no Cupid?


"May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito. Aba lantaran ko na palang tinititigan si Lu. Nakakahiya. Pero hindi na ako umiwas ng tingin. Nakita na nga akong nakatingin sa kanya iiwas pa ako? Ano yun sunga lang?


"Wala. May iniisip lang ako. Gwapo ka pala talaga Luhan. Ngayon ko lang na- appreciate. Mabait pa. Caring. Lovable. naku. Pak na pak. Ikaw nalang kaya i-boyfriend ko?" wala sa sariling nasabi ko.


Nagpreno naman agad siya, Cupid. Muntik na akong mauntog. Thanks sa seatbelt at hindi iyon hinayaang mangyari.


Nabigla ata siys sa sinabi ko. Tapos namula pa siya. Ang kyut kyut tuloy niyang tignan.


"Seryoso?" tapos lumingon siya sakin.


"Joke lang natural. Hindi tayo talo no." sabi ko.


Umiling naman siya at nagpatuloy ulit sa pagdadrive.


"Next time, 'wag kang magjojoke ng ganoon. Hindi nakakatawa." seryosong sabi nito. At tuluyan ng bumalot ang katahimikan hanggang sa maihatid niya ako saHayward Company.


I say 'thank you' sa kanya bago lumabas sa kotse niya.


Then, I felt my tears on my cheeks.


Ayaw niya ba akong maging girlfriend kung sakali?


Pinahid ko ang luha ko. Sh-t! Para akong tanga! Haist!


Shin

Dear CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon