Sulat #15

46 1 0
                                    

Dear Cupid,

Hindi ko namalayang umaga na pala. Hay naku, pero kiber lang. Wa akong pake. Kerri lang no Cupid, bestfriend naman kami ni Luhan at lagi na rin naman na kaming nakikitulog sa bahay ng isat isa. You know. BESTFRIENDS?

Kaso nga lang Cupid baka kapag nalaman 'to ng Future Father of My Child slash Zayne Renz Hayward eh maturn-off siya sakin. Wag naman sana. Maintindihan sana niya na talagang magkaibigan lang kami nitong si Luhan. Na parang kapatid lang ang turingan namin sa isa't isa.

Tumayo na ako sa kama niya. Oo nga no, tsinansingan pala ako ng ugok na 'yun kagabi. May payakap yakap pang nalalaman. Chura niya.

Pupunta na sana ako sa kusina kaso nakita kong nagluluto na siya. Mukhang gumaling na ata siya. Buti naman kong ganun. Atleast, wala na akong inaalagaan. Daig pa niya ang batang may sakit eh, hahaha xD.

Maya maya lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Upo ka na jan. Malapit ng matapos 'tong niluluto ko." sabi niya sakin sabay ngiti.

Napatalikod naman ako agad. Cupid, may kakaiba. Parang may mali. Ano yun? Parang bumilis ang tibok ng puso ko. Abnormal na ata ako? O may sakit sa puso?

Naku Cupid, pacheck up na ata ako? Mukhang may sakit ata talaga ako eh. Hindi ko naman kasi ito nararamdaman noon. Bago lang 'to sakin.

O baka naman kulang lang ako sa tulog o kaya nahawaan lang ako ng lagnat ni Lu? O baka naman gutom lang 'to. Tama gutom lang talaga 'to.

Tara kain tayo Cupid. Masarap siyang magluto. Naks Ideal Man.

Shin

Dear CupidHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin