Sulat #9

69 2 0
                                    

Dear Cupid

        Waaaaaa! Hindi na virgin ang lips ko. Pakshet na Lu Han na yan. Pakshet siya. Hindi porket bestfriend kami at lasing siya may karapatan na siyang molestyahin ang lips ko. Huhu. Ang sama sama niya Cupid. Manyak. Manyak. Manyak. 'Yung first kiss ko na dapat kay Future Asawa ko wala na. Ninakaw na ng walangyang Luhan na 'yon. Kaasar. Magnanakaw siya ng First kiss.

       Sana hindi ko nalang siya inuwi sa bar kung saan siya nagpakalasing. Hinayaan ko nalang sana siya doon. Sana hindi nalang ako naawa at nakonsensya na hindi siya sunduin. Hay naku. Bakit nga ba iyon nagpakalasing? Ewan ko baka broken hearted ang loko. Malay ko sa buhay artista ng lalaking ito.

   

     "Pero aminin sarap ng lips ni Luhan no?" sabi ng malandi kong konsensya. Kaloka na talaga. Anong pinagsasabi ng konsensya ko? Nakadrugs ata siya o baka naman nasapian na si konsensya ko Cupid. Naku, malala na siya. Tara ipunta na natin sa mental Cupid. Hahaha! Charot!

        Iyong lips ni Luhan ba kamo Cupid? Naku ayun lasang chocolate. haha Chaaroot!

        Wala lang iyon alam ko naman na hindi niya iyon sinasadya. Bestfriend kami kaya natural lang na maaring mangyari ang mga ganoong churvang bagay.

        Pero tanong lang, may naghahalikan bang magfriendship? Parang wala ata a. Ay naku, lagot talaga 'yang Luhan na yan kapag nagpakita siya sa akin. Wag na wag niya lang mababangit 'yang kissing scene na naganap samin kundi bibigwasin ko siya. Babayagan ko 'yang sirauling 'yan. 

        So Cupid paano ba 'yan, pasabi naman kay Future Asawa ko na hindi na siya ang first kiss ko. Okay lang kaya sa kanya 'yon Cupid? Okay lang naman siguro no? Hay! Sana magkita na ulit kami Cupid. Pampagoodvives lang. Badtrip kasi talaga ako.

P.S. "Infairness masarap talaga humalik si Luhan. Hihi." Si malandi, malantod at papansin ko pong konsesya ang nagsalita niyan Cupid.

Shin

Dear CupidWhere stories live. Discover now